26.7 C
Batangas

Sudanese national, arestado sa Batangas Port dahil sa marijuana

Must read

PORT AREA, Batangas City – ARESTADO ang isang Sudanese national matapos makuha rito ang ilang stick ng pinatuyong dahon ng Marijuana sa Port of Batangas nitong Lunes.

Batay sa imbestigasyon ng otoridad, patungo sana sa Puerto galera, Oriental Mindoro ang suspek na nakilalang si Mohammed Sameer Mohameed Ali Almagdi, 26, isang foreign exchange student sa bansa at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sta. Teresita, Quezon City.

Ayon sa isang gwardiya ng Asian Terminals Inc., nasa proseso umano siya ng routinary baggage check ng mga gamit ng suspek nang mapansin niya ang isang kahon ng sigarilyo na may kaduda-dudang itsura. Nang tanungin umano ang suspek kung ano ang laman nito, kagaad naman umanong umamin ang suspek na may laman itong Marijuana, dahilan upang pabuksan ito ng nasabing guwardiya. At nang buksan umano ang naturang kahon, tumambad sa mga ito ang pitong (7) stick ng pinatuyong dahon ng Marijuana.

Kaagad na dinala ng guradiya ang nsabing suspek sa Batangas Port Police upang maisadokument ang nakuhang kontrabando sa pag-iingat ng suspek. Kaagad din namang nakipag-ugnayan ang Batangas Port Police sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Region 4A sa Camp Vicente Lim, Lungsod ng Calamba, Laguna.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa nakapiit na ngayong suspek.|May ulat ni Ghadz Rodelas

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -