25 C
Batangas

Tanauan City mayor Halili, kritikal matapos barilin sa flag ceremony

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

KRITIKAL sa isang pagamutan sa Batangas si City of Tanauan mayor Antonio Halili matapos barilin ng isang sniper habang dumadalo sa lingguhang flag ceremony sa New City Hall Compound, Barangay Pagaspas, Lunsod ng Tanauan.

Masayang inaawit ng mga kawani ng pamahalaang lunsod ng Tanauan ang pambansang awit ng Pilipinas nang pagdating sa linyang “Ang bituin at at araw nyang kalian pa ma’y di magdidilim, lupa ng…” nang biglang umalingawngaw ang putok ng isang baril kasunod ang komosyon ng mga tao at hindi na naituloy ang pag-awit ng Lupang Hinirang.

Napuruhan sa dibdib ang butihing alkalde na kaakad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Si Mayor Halili ay kilalang-kilala sa kaniyang masugid na kampanya laban sa iligal na droga at mahigpit na kampanya para sa peace and order sa kaniyang nasasakupan – dahilan upang bansagan siyang “Second son of President Duterte.”

Sa mga nakalipas na panahon, laging laman ng mga balita ang “Walk of Shame” policy ni Mayor Halili upang mapigil ang kriminalidad sa kaniyang lunsod.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -