27.3 C
Batangas

Tulong Medikal, Dental at Kabuhayang handog sa mga provincial inmates

Must read

By EDWIN V. ZABARTE

BATANGAS City — PATULOY na ipinagkakaloob ng mga doktor at mga medical specialists ng Batangas Provincial Health Office ang tulong medikal at dental para sa mga inmates ng Batangas Provincial Jail upang maisaayos ang pangkahalatang kalagayan ng kalusugan ng mga ito sa loob ng nasabing pasilidad.

Dala ang iba’t ibang uri ng gamot, tumungo ang mga tauhan ng Provincial Health Office, na maigting na nakikipagtulungan sa pamunuan ng nasabing bilangguan, Marso 27, sa provincial jail upang isagawa ang kanilang buwanang medical check-up para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa panayam kay Dr. Gerald Alday, ang PHO Medical Officer na namuno sa medical team, ang ganitong gawain ay bahagi ng kanilang programa na maihatid ang tulong medical sa mga Batangueño, hindi lamang sa mga malalayong barangay, kundi kasama rin sa kanilang mandato, sang-ayon sa mahigpit na tagubilin ni Gov. Dodo Mandanas, ang pagpapaabot ng serbisyo sa mga kababayang nasa loob ng  piitan.

Mahalaga umano ang ganitong serye ng gamutan upang maiwasan ang malalang pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit sa loob ng pasilidad, bunga ng matinding siksikan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga indibidwal na nakukulong.

Kabilang sa mga medical na kalagayan na kanilang tinututukan ay ang mga sakit na kagaya ng hypertension, diabetes, ubo, sipon at lagnat,  Mino-monitor din nila ang mga infections, maiwasan ang pagkalat ng skin diseases at, higit sa lahat, ang paggamot at pagbabantay sa mga kaso ng tuberculosis (TB).

Bukod dito, isinusulong din ng pamunuan ng Batangas Provincial Jail ang pagkakaroon ng Alternative Livelihood Project kung saan ang mga piling inmates ay sumasailalim sa pagsasanay sa paggawa ng wig o artepisyal na buhok na magagamit upang ang mga inmates ay magkaroon ng pagkukuhanan ng kabuhayan.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -