27.3 C
Batangas

Turismo ng Batangas, patuloy sa pagbangon matapos ang pagputok ng Bulkang Taal

Must read

By ROMNICK V. ARELLANO

ISANG malaking dagok ang hinarap ng lalawigan ng Batangas matapos ang pagputok ng Bulkang Taal nuong nakaraang January 12, 2020 at nanatiling nasa Alert Level 2 na kung saan nagdulot ng malaking pinsala at lubos nitong naapektuhan ang turismo ng lalawigan. Sa ngayon ay patuloy na ginagawan ng lokal na pamahalaan ng Batangas ang pag-ahon at pagbangon ng turismo.

“We want to assure our visitors and tourists that actually it is safe to travel to Batangas. During the hike of our efforts, rescue, relieve, rehabilitation, nalagay ang Taal Lake Volcano sa center of attraction not only around the Philippines but worldwide,” pahayag ni Vice Governor Jose Antonio S. Leviste II.

Sa kabila ng hindi magandang dulot ng pagputok ng Bulkang Taal, nakikita naman itong pagkakataon upang mas makilala pa ang Batangas at mapansin ang iba pang lugar na nakapaloob sa probinsyang ito.

Ayon pa sa bise gobernador, gagamitin nilang stepping stone ang nangyari sa Batangas upang lalong pag-usapan ang Taal Lake and Volcano at umaasa sila na sa pamamagitan ng out of curiosity ay mas maraming tao ang bibisita sa nasabing lugar.

Hindi naiwasang maikumpara ni Leviste ang nangyari sa Batangas sa nagdaaang rehabilitasyon ng Boracay, kung saan ay naging maingay na usapin na baka bumaba at bumagsak ang industriya nito.

A booming beach resort in Isla Verde, Batangas City.|

“Kung ihahalintulad natin yung sitwasyon natin sa Boracay, bagaman naka-lockdown ito ay pagkakataon upang ma-promote natin yung mga ibang areas, the beaches and coastal areas of Batangas, yung mga countryside, mga bulubundukin and other aspects of tourism like culinary, the outdoors and cultural tourism,” dagdag-pahayag pa ng bise gobernador.

Bagamat nasa proseso ngayon ng pag-aayos ng mga nasira bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal, hindi naman maikakaila na isa pa din ang Batangas sa may magagandang lugar sa Pilipinas.

“Sana ay magtulong-tulong at magsama-sama tayo na magpromote ng ating lalawigan by posting beautiful experiences, lasting memories, nice pictures of your respective areas through social media. Lets enjoy our summer, lets enjoy our beautiful Batangas,” pagtatapos ni Vice Governor Leviste.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -