25 C
Batangas

Estudyante, nalunod sa 6ft na swimming pool

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

LUNSOD NG TANAUAN, Batangas – HINDI na matutupad ang mga pangarap ng isang 15-anyos na estudyante na makatapos man lang ng pag-aaral matapos mabigong maisalba ang buhay bunsod ng pagkalunod sa isang pool sa bayang ito nitong Miyerkules, Mayo 30.

Kinilala ng otoridad ang biktimang si Jayron Bernados y Recta, estudyante, tubo at residente ng Brgy. San Antonio, Sto. Tomas, Batangas.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-8:00 ng umaga nong Miyerkules, nagtungo umano ang may 13 kabataan Sunshine Garden Resort na pag-aari ng isang Raul Mabansag y Udico sa Brgy. Darasa, lunsod na ito para sa isang group summer getaway.

Nang humigit-kumulang ay alas-9:00 ng umaga, habang nagliliguan na ang grupo, nagpadausdos umano ang biktima sa slide ng resort at bumagsak sa may 6-talampakang  lalim ng tubig.

Dahil sa hindi kagalingang lumangoy ang biktima, hindi niya kinaya ang malamim na tubig at nagsimula na siyang malunod.

Kaagad namang sumaklolo ang nakatalagang lifeguard ng resort na nakilalang si Gerald Bendo y Britanya at sinikap sagipin ang biktima at iahon ito sa tubig saka kaagad na isinugod sa Daniel Mercado Medical Center. Nabigo namang maisalba ang biktima at ideneklarang patay na ni Dr. Roner Michael C. Mateo, attending physician.

Panawagan naman ng otoridad sa publiko, na bantayan ang mga kabataang kadalasan ay nagsisitakas pa sa kabatiran ng mga magulang o kasamahang nakatatanda para lamang makasama sa mga swimming party na kadalasan din ay nauuwi sa sakuna.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -