33.3 C
Batangas

Animal Quarantine Checkpoints kontra ASF, itinayo sa Tanauan City

Must read

- Advertisement -

TANAUAN City — Nagtayo ng animal quarantine checkpoint sa Brgy. Banjo West noong Setyembre 17 at sa Brgy. Tinurik naman noong Setyembre 18 ang Tanggapan ng Beterinaryong Panlungsod ng Tanauan upang masiguro na hindi makakapasok ang African Swine Fever (ASF) sa lungsod.

Ang mga barangay na ito ang kasalukuyang may pinakamataas na populasyon ng baboy kaya minabuti ng nasabing tanggapan na magtalaga ng mga checkpoint base sa kahilingan na rin ng mga kasapi ng kanilang Hog Raisers Association.

Ito ay hakbang ng pamahalaang lungsod bilang pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan kung saan nagbigay ng direktiba si Gobernador Hermilando Mandanas na pigilan ang pagpasok sa probinsiya ng Batangas ng mga baboy mula sa mga lugar na kumpirmadong apektadong ASF tulad ng mga lalawigan ng Rizal, Bulacan at Pampanga at sa mga sakop ng 10km radius ng General Nakar, Quezon, lungsod ng Caloo-can, Pasig, Marikina at Quezon City.

Upang higit na mapaigting ang seguridad laban sa kumakalat na sakit ng baboy, nagbigay-din ang City Vet’s Office ng mga disinfectant, backpack sprayer at tent.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan din kung magtatalaga rin ng checkpoint sa iba pang barangay na may malalaking bilang din ng ‘hog raisers’.|Maireen Jenzen Nones

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS City -- PRESIDENT Ferdinand Marcos Jr. officially launched the opening of the new and improved Passenger Terminal Building (PTB) together with the Philippine Ports Authority (PPA) at the Port of Batangas Friday. The PTB of Batangas Port is the...
CBS China Bank Savings has moved up two notches in the Bangko Sentral ng Pilipinas’ 2023 ranking of thrift banks in terms of total assets.  From top four in 2022, CBS is now the second largest thrift bank with...
Makati City Rep. Luis Campos Jr., House appropriations committee vice chairperson, has pressed for the early release of the government’s P2.5 billion fuel cash subsidy to public transport drivers following a series of increases in the pump prices of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -
Balikas News Network