27.7 C
Batangas

Trak ng tubo, inararo ang karinderia; 7 patay, 4 sugatan

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

TAAL, Batangas – MAAGANG sumapit ang ‘Biyernes Santo’ sa pamilya ng pitong kataong dead-on-the spot matapos araruhin ng isang 10-wheeler tuck kasama ng iba pang mga sasakyan sa kahabaan ng diversion road sakop ng Barangay Carsuche sa bayang ito, Miyerkules Santo ng umaga.

Kabilang sa pitong biktimang dagling binawian ng buhay sina Melecio Atienza, 39 at asawang si Jennifer, 37, mga may ari ng MJ Restaurant at ang dalawa nilang tauhan na sina Chelvier Aninon alyas Cheche, 32, helper, at Susan Hombre, 57, dishwasher, at Ricardo Tubon, 44, helper, ng Brgy. Sto. Cristo, San Jose, Batangas; at si Ramir Aguado, 34, pipefitter, ng Sta. Rita Karsada, Batangas City.

Batay sa ulat ng Taal PNP, nawalan umano ng preno ang trak na bumangga sa isa pang trak at mga nakaparadang sasakyan sa gilid ng highway at tuluyan pang inararo rin ang naturang karinderia.

Gumuho ang mga kargang tubo ng dalawang trak at naipit nito kasama ng nagkarambolang mga sasakyan ang mga biktima.

Sugatan naman at dinala sa Taal Polymedic Hospital sina Orly Capuso, Dianne Uy at Danilo Maticom at Bayani Muñoz.

Humihingi naman ng tawad sa pamilya ng mga naging biktima ng malagim na insidente ang drayber ng trak na si Alejandro Villena ng Barangay Magahis sa bayan ng Tuy.

Ayon kay Villena, aksidente umano ang nangyari at hindi niya ginusto kaya humihingi siya ng tawad sa mga kamag anak ng mga nasawi at sa apat pang nasugatan.

Kwento nito binuhay niya ang makina ng kanyang minamanehong trak at naghanda na para ituloy ang biyahe patungong sugar central sa Nasugbu ngunit bago tuluyang umarangkada, bumaba muna umano si Villean para umihi.

Dahil wala ng kalso at pababa ang lugar, mabilis namang umusad ang trak na kargado ng tubo at sumalpok ito sa nasa unahang trak ng kasamahang si Sherwin Cupo.

Sinubukan pa umano niyang habulin upang pigilin ang pag-usad ng trak ngunit lubhang mabillis ang pangyayari hanggang sa magkarambola na ang mga sasakyan at araruhin ang naturang karinderya.

Paliwanag pa ni Villena, nagdesisyon umano sila ni Cupo na dagling umalis sa lugar ng insidente dahil sa takot ngunit dumerecho naman siya agad sa Tuy Municipal Police Station upang sumuko kay PSI Domingo Ballesteros na siyang nag-turn-over sa Taal PNP bandang alas-3:00 ng hapon.

Nabatid naman na dagli ring sumuko si Cupo sa opisyal ng kanilang barangay sa Brgy. Binubusan, bayan ng Lian.

Kapwa nakapiit ngayon sa Custodial Facility ng Taal Municipal Police Station ang dalawang drayber at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injury and damage to property.

Si Alejandro ay may apat na anak at kasalukuyang nagdadalang tao ang asawa.

Pahayag ni PSI Ricaredo Dalisay OIC Chief of Police ng Taal, maituturing na human error ang dahilan ng insidente.

Samantala, hiwalay na kayo ang haharapin ng may-ari ng mga trak na si Simplicio Evangelista ng Lunsod ng Calamba sa pagpapabiyahe ng mga umano’y di rehistradong mga trak.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

FOUR farmer associations from the Municipalities of Nasugbu, Laurel, and Lobo, Batangas, received carrageenan plant growth promoter (PGP) and knapsack sprayers from the Department of Science and Technology (DOST)-CALABARZON thru DOST-Batangas as support for their rice production aimed at...
BATANGAS — Three food manufacturing firms in the western part of the province underwent a refresher training on food safety conducted by the Department of Science and Technology (DOST)-Batangas at each firm's production plant, April 26. These firms include Samahan...
"Banal na Aso, Santong Kabayo" by Yano is among the most profound and controversial songs in Philippine music history. This folk-punk masterpiece, which paints a vivid picture of social critique, will reverberate through the ages because its relevance has...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -