31.7 C
Batangas

Marketing cooperative, solusyon sa produkto ng RIC

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City – SA mga nagsisimula ng maliit na negosyo sa kanilang barangay, sila ay pwedeng tulungan sa marketing ng kanilang produkto ng Batangas City Rural Improvement Club Marketing Cooperative (BCRICMC).

Sa 3rd General Assembly ng BCRICMC  sa Research Training Center ng OCVAS noong ika-26 ng Marso, hinikayat ng chairman nito na si Mirrian Catapang ang mga residente ng lunsod partikular yaong mga myembro ng RIC na sumali sa kooperatiba at pagyamanin ang kanilang mga natutunang livelihood projects sapagkat ang kanilang mga pangunahing myembro ay yaong may mga negosyo sa kani-kanilang barangay.

Ipinabatid din niya ang patuloy na tagumpay ng Pasalubong Center, isang proyekto ng RIC na sinimulan noong 2007 sa panahon ni Mayor Eduardo Dimacuha at patuloy na nakakakuha ng suporta kay Mayor Beverley Rose Dimacuha.

Dito isino-showcase ang mga produkto ng mga kababaihan ng iba’t ibang barangay kung kayat lubos ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suportang ipinagkakaloob ng pamahalaang lunsod.

Ayon kay Catapang, isang magandang halimbawa ng natamong tagumpay ng isa sa kanilang mga myembro ay ang banana chips business ni Edna Dimayuga ng barangay Tingga Itaas. Siya ay produkto ng mga seminar sa OCVAS at isa sa mga matagumpay na entrepreneurs ngayon sa lunsod. Nag-umpisa sya sa maliit na puhunan at dahil sa tulong ng pamahalaang lunsod ay  napalago niya ito. Ini-export na ngayon ang kanyang mga produkto.

Ipinadadala na ng DTI at DA ang Edna’s banana chips sa ibang bansa at unti-unti nang nakikilala sa buong mundo.

Sa taong ito ay binuksan na nila ang kooperatiba hindi lamang para sa mga kababaihan kundi sa sinumang may negosyo. Ang minimum share ay P2,000 at ang membership fee ay P100.00 lamang.

Hanggang P200,000 ang halagang kayang ipautang ng kooperatiba sa kanilang mga miyembro para sa kanilang negosyo.

Pinayuhan ni City Veterinarian Dr Mac Hornilla ang myembro ng BCRICMC na pagtuunan ng pansin ang “packaging” ng kanilang produkto upang mas maraming consumers ang tumangkilik  nito at mas makilala ang mga produkto ng lunsod.

Nagpaabot ng pagbati at nakiisa din sa naturang okasyon si Congressman Marvey Mariño na kinatawan ng kanyang Chief of Staff na si Eddie Boy Caringal gayundin ang Committeee Chairperson on Agriculture and Cooperative na si Coun. Serge Atienza at kanyang kabiyak na si Coun. Allysa Cruz.|#BALIKAS_News / Ronna Endaya Contreras

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BALAYAN, Batangas – AFTER undergoing monitored home isolation and receiving appropriate medical care, the first Mpox case recorded in CaLaBaRZon, a 12-year-old male from this town, was tagged as recovered and given clearance on September 13, 2024. The patient started...
In 1916, Albert Einstein theorized that two merging black holes create ripples in the spacetime fabric, similar to how a pebble creates ripples in a pond. These ripples, called gravitational waves, stretch and squeeze spacetime in amounts so minuscule...
Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -