31.7 C
Batangas

Bagong kampeon, itinanghal sa Les KuHLiemBo Court Dance Competition

Must read

- Advertisement -

IBAAN, Batangas — KASABAY ng matunog na palakpakan na may kasamang sigawan ay tinanggap ng Maximo T. Hernandez Memorial Integrated High School ang tumataginting na P100,000.00 premyo bilang bagong kampeon sa mas pinakinang na Les Kuliembo Court Dance Competition sa bayang ito ngayong araw.

Ang nasabing patimpalak ay bahagi ng Ika-192 Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Ibaan na may temang “Yakapin ang Tradisyon, Yakapin ang Bukas!” Dagdag sa P100,000.00 premyo ay tumanggap din ng Plake ng Pagkilala ang naturang paaralan at medalya ng karangalan ang bawat mag-aaral na kasapi ng dancing contingent nito.

Bukod pa rito ay tinanghal din ang Maximo T. Hernandez MIHS bilang Best in Costume Awardee na may premyong Php 10,000.00 at isang Plake ng Pagkilala. Nakuha naman ng Ibaan Sub-Office Integrated Schools ang 1st Prize na may premyong Php 70,000.00.

Ito ang unang pagkakataong lumahok sa naturang patimpalak ang Ibaan Sub-Office Integrated Schools na San Agustin Integrated School, Mabalor-Catandala Integrated School sa Brgy. Catandala , Lucsuhin Mational High School at Procopio Mailig Memorial Integrated School sa Brgy. Palindan.

Tinanghal naman bilang 2nd Place ang Don Juan Pastor Memorial Integrated School na nag-uwi ng Php 50,000.00 premyo. ANg DJPMIS ang tinanghal na kampeon noong nakaraang taon.

At tinanggap naman ng St. Jude Science and Technological School ang Php 30,000.00 premyonpara sa 3rd Place.

Bawat paaralang kalahok ay tumanggap din ng Plake ng Pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok sa kumpetisyon. Bago ang paghahayag ng mga nanalo, lalong umugong ang matunog na palakpakan nang i-anunayo ni Vice Mayor Juvy Manalo ang desisyon ni Mayor Joy Salvame at ng buong Sangguniang Bayan ng Ibaan na doblehin ang cash prize.

Sa bawat pagtatanghal ay kani-kaniyang ipinakita ng mga nagsilahok ang mga pangunahing produkto ng Ibaan na siyang pusod ng Les KuHLiemBo Festival — ang Tamales Ibaan, Kulambo, Habi, Liempo, Tubo, at iba pa.|-Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -