26 C
Batangas

Banggaan ng barge at MV FastCat M19 sa Isla Verde, sinisiyasat ng PCG

Must read

- Advertisement -

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Philippine Coast Guard sa utos ni Commandant CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, ang insidente ng banggaan ng isang pampasaherong fastcraft at isang barge sa laot ng Barangay San Agapito, Isla Verde, Batangas City nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Sa ulat ng PCG Station sa Batangas City, nabatid na naglalayag ang MV Fastcat M19 sa layong dalawang milya mula sa Brgy. San Agapito nang makabangga nito ang Barge Krizza Rica, na hinihila ng Motor Tug Migi na may 17 tripulante.

Lulan ng MV Fastcat M19 ang 47 tripulante, 41 pasahero mula sa Port of Batangas at patungong Port of Calapan (Oriental Mindoro) samantalang kargado naman ng 300 sakong semento ang barge na galing sa Port of Calaca (Batangas) at patungong Semirara Island sa Caluya, Antique.

Batay sa paunang imbestigasyon, hindi pa mabatid kung aling sasakyang pandagat ang may pagkakamali sa naturang insidente.

Bunga ng naturang banggaan, nagkasira ang hulihang bahagi ng kamarote (passenger deck starboard) ng MV Fastcat M19, samantalang nagkaroon din naman ng galos o scratches ang pruwa (port bow) ng Barge Krizza Rica.

Ayon kay CG Rear Admiral Armando Balilo, tagapagsalita ng PCG, isang lalaking pasahero ng MV Fastcat M19 na 26 taong gulang at residente ng Santa Fe, Romblon, ang nagtamo ng hiwa sa gawing itaas ng kanang mata at galos sa may itaas ng kanang nguso.

Kasunod nito, ipinag-utos ng PCG na humimpil muna sa Calapan Anchorage Area ang Barge Krizza Rica  habang isinasagawa ang iba pang imbestigasyon.

Samantala, lahat naman ng pasahero ng MV Fastcat M19 ay ligtas na nakababa sa Port of Calapan.

Patuloy na sisinsagawa ng PCG Southern Tagalog ang karagdagang imbestigasyon sa insidente samantalang wala namang naiulat na oil spill sa lugar na pinangyarihan ng insidente.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines โ€“ Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the Universityโ€™s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -