25 C
Batangas

BHWs ng lalawigan, sinanay sa pagbabakuna kontra rabbies

Must read

By ALMIRA EJE

KAUGNAY pa rin sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, ay nagsa-gawa ng Anti-Rabies Vaccination Training sa mga Barangay Health Workers ng bayan ng Lemery na ginanap noong ika-21 ng Marso 2018.

Ang mga nasabing health workers ay ang mga volunteers ng iba’t ibang barangay mula sa Lemery na sumailalim sa pagsasanay tungkol sa tamang pagtuturok ng mga rabies vaccine, tamang paghawak sa mga kagamitang pangbakuna, kahalagahan ng rabies vaccine at maging ang tamang paghuli sa mga alagang hayop. Ang mga ito ang magiging kinatawan ng kani-kanilang baran-gay para sa Bantay Rabies sa Barangay.

Ayon kay Dr. Rommel Marasigan, Provincial Veterinarian, magandang panahon ang Marso upang magsagawa ng pagbabakuna sapagkat pagsapit ng panahon ng tag-araw nagiging aktibo ang mga hayop kung kaya at mas kinakailangang mapababa ang risk ng rabies na maaaring makuha ng mga ito.

Ang mga aktibidad na ito ay alinsunod pa rin sa Republic Act 9482 “Anti-Rabies Act of 2007” na naglalayong makontrol at maalis ang rabies sa hayop maging sa tao, at pagpapataw ng penalty para sa mga hindi susunod.

Nagpabatid naman ng mensahe si Dr. Marasigan para sa lahat na makipag-tulungan upang makontrol ang rabies, pagsuporta sa mga programa ng pamaha-laang panlalawigan tungkol sa mga alagang hayop at ang pagsasabuhay ng responsible pet ownership.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -