26.5 C
Batangas

BHWs ng lalawigan, sinanay sa pagbabakuna kontra rabbies

Must read

- Advertisement -

By ALMIRA EJE

KAUGNAY pa rin sa selebrasyon ng Rabies Awareness Month, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian sa pangunguna ni Dr. Rommel Marasigan, ay nagsa-gawa ng Anti-Rabies Vaccination Training sa mga Barangay Health Workers ng bayan ng Lemery na ginanap noong ika-21 ng Marso 2018.

Ang mga nasabing health workers ay ang mga volunteers ng ibaโ€™t ibang barangay mula sa Lemery na sumailalim sa pagsasanay tungkol sa tamang pagtuturok ng mga rabies vaccine, tamang paghawak sa mga kagamitang pangbakuna, kahalagahan ng rabies vaccine at maging ang tamang paghuli sa mga alagang hayop. Ang mga ito ang magiging kinatawan ng kani-kanilang baran-gay para sa Bantay Rabies sa Barangay.

Ayon kay Dr. Rommel Marasigan, Provincial Veterinarian, magandang panahon ang Marso upang magsagawa ng pagbabakuna sapagkat pagsapit ng panahon ng tag-araw nagiging aktibo ang mga hayop kung kaya at mas kinakailangang mapababa ang risk ng rabies na maaaring makuha ng mga ito.

Ang mga aktibidad na ito ay alinsunod pa rin sa Republic Act 9482 โ€œAnti-Rabies Act of 2007โ€ na naglalayong makontrol at maalis ang rabies sa hayop maging sa tao, at pagpapataw ng penalty para sa mga hindi susunod.

Nagpabatid naman ng mensahe si Dr. Marasigan para sa lahat na makipag-tulungan upang makontrol ang rabies, pagsuporta sa mga programa ng pamaha-laang panlalawigan tungkol sa mga alagang hayop at ang pagsasabuhay ng responsible pet ownership.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

INIANUNSYO na ng ilang lokal na pamahalaan sa Lalawigan ng Batangas ang pagkansela ng klase bukas sa ilang lungsod at bayan dito. Sa Batangas City suspendido ang klase sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan dahil...
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Apolinario Mabini sa Mabini Shrine Brgy. Talaga, Tanauan City Batangas.ย  Bilang pagpupugay ay nag-alay  ng bulaklak ang Pangulo upang kilalanin ang natatanging kontribusyon ni...
โ€œAng West Philippine Sea ay hindi isang kathang-isip natin lamang. Ito ay atin. At ito ay mananatiling atin, hanggaโ€™t nag-aalab ang diwa ng ating mahal na bansang Pilipinas,โ€ President Marcos said in his third State of the Nation Address...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -