BATANGAS City — MAY pagkakataong makasaksi ang mga mananampalatayang Kristiyano sa Timog Katagalugan ng kakaibang paggunita sa mga Mahal na Araw ngayong taon sa pamamagitan ng pagsaksi sa Senakulo sa Biyernes Santo na isasadula sa Montemaria Shrine sa lunsod na ito.
Isasadula ng mga kabataan ng Parokya ni San Miguel Arkanghel na nakabase sa Brgy. Ilijan, Lunsod Batangas, ang Senakulo Live ay isang pagsasadula sa buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo hanggang sa Kaniyang kamatayan sa Krus.
Bukod sa Senakulo, may iba pang mga gawain na inihanda ang Montemaria Asi Pilgrims, Inc. (MAPI) sa pakikipagtulungan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), and Parokya ni San Miguel Arkanghel. SUportado ang mga gawaing ito ng Pahayagang Balikas.|