25 C
Batangas

Imee: ‘U.S., dapat lang magbayad ng patas sa paggamit ng Ph military bases’

Must read

IDINEPENSA ni Senador Imee Marcos ang paninindigan ni Pangulong Duterte na karapat-dapat lang magbayad ng patas ng U.S. sa Pilipinas dahil sa delikadong papel nito sa pagbibigay ng unang depensa sa Amerika sa Indo-Pacific region.

“Hindi lang nabibigyan ng Pilipinas ang American forces ng unang depensa sa Indo-Pacific region kundi pati paggamit nila sa tubig at kuryente sa ating mga military bases ay binabayaran din natin,” ani Marcos.

“Napakaraming Pilipino ang hindi kayang magbayad sa tubig at kuryente ngayong may pandemya. Itutuloy pa rin ba ang subsidiya sa mga Amerikano? Tanong ni Marcos, sabay banggit sa U.S. military benefits na nakasaad sa Article 7 ng Enhanced De-fense Cooperation Agreement (EDCA).

Isinulong muli ni Marcos ang pagsuri sa EDCA dahil napapaikutan ng Amerika ang prohibisyon sa ating Konstitusyon sa mga foreign military bases sa bansa.

Dagdag ni Marcos, ang dating bayad sa ating gobyerno bago mapaalis ang mga U.S. bases halos tatlong dekada nang nakaraan ay naiiwasan din ng Amerika.

“Kahit ang mga superpower nangangailangan din ng mga kaibigan, at ang bagong pagtingin ng Amerika sa Asia-Pacific ay nagpapatibay sa malaking ginagampanan ng ating rehiyon at ng Pilipinas,” ani Marcos, bilang sagot sa batikos kay Presidente Duterte na ang paghingi ng patas na bayad ay pangingikil.

Sumang-ayon ang sena-dora sa Presidente na ang $3.9 bilyon na ibinabayad ng Amerika sa Pilipinas noong 2001 hanggang 2017 ay napakaliit kumpara sa $16 bilyon na ibinabayad sa Pakistan.

“Natatakot ang Amerika na kapag bumagsak ang gobyerno ng Pakistan, ang 150 nuclear warheads nito ay magagamit ng Taliban laban sa Amerika,” ani Marcos.

“Kung wala ang Pilipinas, ang kalakal ng Amerika pati na ang mga pangako nito sa seguridad ng rehiyon ay hihina. Ngunit dahil sa pagtanggap natin sa U.S. forces, magiging target naman ang Pilipinas ng mga kalaban ng Amerika, kahit hindi tayo direktang kasali sa anumang gyera na maaring pumutok sa ating rehiyon,” dagdag ni Marcos.

“Kung susugurin ng China ang Taiwan dahil sa pagsulong nito ng indepen-dence, hindi gaano magiging mabilis ang pagresponde ng Amerika dahil manggagaling pa ng Japan, South Korea, Guam o Australia ang mga pwersa ng military nito,” paliwanag ni Marcos.

Dagdag pa ni Marcos, maaring gamitin ng Amerika ang mga human rights issues upang tawaran sa isang isyu na dapat pangseguridad lamang.| – BALIKAS News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -