28.8 C
Batangas

“Kakayahan at integridad, susi sa pagpili ng ieendorso” – Cong. Buhain

Must read

- Advertisement -

By Joenald Medina Rayos

BALAYAN, Batangas — ISANG mas maunlad at progresibong distrito na binubuo ng isang syudad at pitong bayan ang nais ipagkatiwa ni Congresswoman Eileen Ermita-Buhain sa kanyang magiging kahalili bilang kinatawan sa kongreso sa pagtatapos ng kaniyang termino sa 2022. Ito ang buod ng pahayag ng kongresista sa eksklusibong panayam ng BALIKAS News kamakailan.

- Advertisement -

“Bukod sa mga proyektong pang-imprastraktura na ating pinagsumikapang maihatid sa ating distrito, isa sa maituturing kong malaking tagumpay ng isang kongresistang katulad ko ay ang mag-akda ng isang batas para sa kumbersyon ng bayan ng Calaca sa pagiging isang ganap na siyudad, ang kauna-unahang magiging lungsod sa Western Batangas,” pahayag pa ni Cong. Buhain.

Pormal ng nakapasa sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado noong Pebrero 8 ang Senate Bill No. 1825 bilang tugon sa House Bill No. 6598 na inakda ni Cong. Ermita-Buhain na ipinasa ng Kongreso noong Hunyo 20, 2020. Si Senator Francis Tolentino ang punong may-akda ng SB 1825, samantalang si Cong. Eileen Ermita-Buhain naman ang pangunahing may-akda ng HB 6598.

Mangangailangan na lamang ng paglagda ni Pangulong Rodrigo R. Duterte para maging ganap ang tatawaging Charter of the City of Calaca at pagratipika ng sambayanang Calaqueño sa isang gagawing plebisito para tuluyang maging ganap ang pagsilang ng City of Calaca, ang kauna-anahang lungsod sa kanlurang bahagi ng Lalawigan ng Batangas.

Samantala, sa pagtatapos ng kaniyang termino sa June 30, 2022, hiniling ng BALIKAS News sa kongresista na ihayag nito kung sino ang napipisil niyang iendorso bilang magiging kahaliling kinatawan ng Unang Distrito.

“Sa buong tatlong termino ko, lalo na dito sa huling termino na tayo ay binalot ng sunud-sunod na kalamidad, iisang tao ang higit na nagbigay ng sarili para makatuwang ko at umagapay sa aking paglilingkod sa distrito, at iyan ay walang iba kundi ang aking asawang si Eric,” may pagmamalaking sagot ng kongresista.

Aniya pa, “dito sa ikatlong termino ko, hindi biro ang nga suliraning ating kinaharap at diyan ko lalong nakita ang unselfish dedication ni Eric bilang katuwang ko sa paglilingkod.”

Hindi rin naging maramot si Cong. Eileen na sagutin ang iba pang katanungan ukol sa kaniyang pag-eendorso.

“Sa bawat pagtatapos ng termino, kalimitang hamon sa mga nag-eendorso ay ang acceptability ng pipiliing kahalili at ang mga isyung ibabato sa kaniya na kadalasan ang mga ito ang dahilan kung bakit ang karerahan sa pulitika ay nagiging karerahan din ng mga paninira, na kadalasan ay walang pinipiling indibidwal. Sa bagay na ito, ano pong masasabi ninyo, Cong. Eileen, sa inyong pagsasapubliko ng inyong pagpili kay Sir Eric Buhain para inyong maging kahaliling kongresista ng Unang Distrito?”, tanong pa ng Balikas News.

“Buo ang aking paniniwala at pagtitiwala sa kakayahan, integridad at kahandaan ni Eric para maging kongresista ng Unang Distrito. Siya ang nakikuta kong may malasakit sa distrito at handang ipagpatuloy ang aking mga kasalukuyang programa para sa ating mga kababayan,” pahayag pa ni Cong. Eileen.

“Kahit ngayon pa man ay may nakarating na sa aming impormasyon na may mga tao o grupo na nagbabalak umanong maglunsad ng isang black propaganda para sirain ang pangalan, integridad at kakayahan ng aking asawa. Ngunit ang masasabi ko lamang, ako bilang asawa, ang unang-unang nakatatalastas sa kaniyang pagkatao at makapagsasabi kung sino siya at kung anong klaseng tao siya. Hindi ko itataya ang aking mahabang panahong serbisyo at hahayaang masira lamang ito kung akoy magkakamali ng pagpili ng aking magiging kahalili,” paniniyak pa ng kongresista.

Nasa ikatlong termino ng kaniyang panunungkulan si Cong. Eileen Ermita-Buhain, na ngayon ay kabilang sa Nacionalista Party ni Senadora Cynthia Villar.|- BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article