28.4 C
Batangas

Kawani ng kapitolyo, walang aasahang extra bonus

Must read

KAPITOLYO, Batangas – BIGO ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas na makatanggap ng extra bonus ngayong Kapaskuhan, samantalang nagpipista naman ang mga kawani ng ilang pambansang ahensya at kagawaran.

Sa isinagawang pagdinig ng Committee on Human Resource ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ni 1st District Board Member Carlo Roman Rosales, Jr., tagpangulo ng komite, na walang aasahang extra bonus sapagat walang matibay na batayan ang pamahalaang panlalawigan para ipagkaloob ito.

Ilan umano sa mga pinagbabatayan sa pagkakaloob ng extra bonus ng mga nasa local government units (LGUs) ay ang pagtanggap ng konsernadorng LGU ng Seal of Good Local Governance (SGLG), pagkakaroon ng union ng mga kawani at ang panuntunan o circular ng Deparment of Budget and Management (DBM).

Para sa taong 2018, dalawang lalawigan lamangs a CALABARZON ang nakapasok sa nasabing awards at ito ay ang Laguna at Quezon. Sa Lalawigan ng Batangas, tanging ang Lungsod ng Tanauan at ang mga bayan ng bauan at Taal lamang ang tumanggap ng SGLG Awards.

Bagaman at nakapasa ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa Seal of Good Local Financial Housekeeping (SGLFH) na isang component ng SGLG, hindi pa rin ito umabot sa itinakdang pamantayan sa takdang panahon kaya hindi nito nakuha ang SGLG awards.

Bukod dito, wala ring organisadong unyon ang mga kawani ng kapitolyo. Ang isang union ng mga mangaggawa ay binubuo upang isulong ang pagtiyak na ma-exercise nila ang kanilang mga karapatan at matanggap ang mga pribilehiyo bilang mga kawani. Ani Bokal Rosales, hindi anman magandang tingnan na kaya lanag magbubuo ng isang union ang mga taga kapitolyo ay para lamang makakuha ng extra bonus.

Sinabi rin ni 5th District Board Member Ma. Claudette U. Ambida-Alday na wala namang ipinalabas na circular ang DBM kaya wala ring magiging sapat na batayan para magbigay ng extra bonus ang kapitolyo sa mga kawani nito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -