25.8 C
Batangas

Mass testing sa Batangas City, isinasagawa na ng CHO

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

(Updated, 1st pub, May 8, 2020) BATANGAS City — NILINAW ni Dr. Rosanna Barrion, City Health Officer dito, na matagal ng isinasagawa ang mass testing sa lungsod, taliwas sa mga kumakalat na balita sa social media na walang aksyon ang lungsod ukol dito.

Ani Barrion, bago pa man ibaba ng Department of Health (DOH) ang Memorandum 2020-0180 Revised Interim Guidelines on Expanded Testing for COVID- 19 noong April 21, ay isinasagawa na ng kanilang tanggapan ang expanded mass testing kung saan higit na pinalawak ang pagsasagawa nito ngayon sa ilalim ng nasabing memorandum.

“Ito ay yung nasopharyngeal at oropharyngeal swabbing na matagal ng ginagawa ng CHO sa mga suspects (PUIs) at sa mga taong may close contact sa isang confirmed COVID-19 patient, sabi ni Dr. Barrion.

Binigyang-diin pa ni Barrion na ayon sa nasabing memorandum ang COVID-19 Expanded Testing ay ang testing ng lahat ng individual who are at-risk of contracting COVID-19 infection. Kabilang dito ang mga 1.) suspect cases; 2. Individuals na may history ng travel at exposure/ contact, may sintomas o wala at 3.) health workers na may exposure sa COVID-19, maging sila ay symptomatic o asymptomatic.

Sa isang kumperensya, nilinaw ni Sec. Karlo Nograles, dating spokesman ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease na ang mass testing ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng tao ay kakailanganing i-test. Sa halip, sila ay yun lamang kailangan o dapat mai-test kaagad gaya ng mga hospitalized patients, lalo’t higit ang mga nakatatanda, mga buntis at mga pasysente na may iba pang karamdaman o pre-existing conditions tulad ng cancer, asthma at iba pa na may sintomas ng COVID-19.

Prayoridad din aniya na mai-test ang mga healthcare workers na exposed sa COVID-19 at ang mga suspects o yung mga taong may direct physical contact sa confirmed COVID 19 patient.

Sinabi ni Dr. Barrion na ang RT-PCR ang gold standard test na ginagamit para sa confirmation ng COVID-19. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng nasopharyngeal at oropharyngeal swabbing.

Hindi aniya maaaring ang rapid antibody based test kits lamang ang gagamitin dahil ito ay posibleng makapagbigay ng false negative result at kelangan pa rin sumailalim sa confirmatory test ng DOH gamit ang RT-PCR test kits.

Hanggang nitong Huwebes ng hapon, nasa 27 kumpirmadong positibong kaso ng CoVid-19 ang naitala na sa Batangas City. Sa naturang bilang, 13 rito ang fully recovered na, 9 ang kasalukuyang ginagamot o nagpapagaling pa, o kaya naghihintay ng confirmatory negative results. Kasama rin dito ang mga naka-quarantine na lamang; samantalang 5 ang naitalang pumanaw sa sakit na CoVid-19.

Umabot naman sa 123 ang suspected cases, samntalang wala namang naitalang probable. Nilinaw rin ng CHO na bagaman sa kategoriya ng Department of Health (DoH) ay ang mga suspected cases ay mga PUI na may bahagya, malala o kritikal na kondisyon na pawang hindi pa natetest, sa Batangas City, ang mga suspected cases na ito ay pawang nakuhanan na ng swab samples at isinasailalim na sa RT-PCR tests bilang bahagi ng mass testing activity ng lungsod.

Patuloy naman ang panawagan ni Mayor Beverly Rose A. Dimacuha sa mga mamamayang Batangueño na seryosohin ang mga alituntunin sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at igalang ang mga tagapagpatupad ng batas hinggil dito upang tuluyang mapigil ang pagkalat ng virus sa lungsod, samantalang tinitiyak naman ang patuloy na pagseguro sa ayuda ng pamahalaang lungsod sa mga constituents nito.|[May ulat ng Batangas City PIO]

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
A silent revolution is underway in the busy field of education, where the curriculum always demands, and the clock is continuously running. This change is about something far more fundamental than flashy technology or popular teaching approaches—our attitudes. Psychologist...
OUT OF the seven plastic categories, the first two, namely Polyethylene Terephthalate (PET) and High-Density Polyethylene (HDPE) are the easiest to recycle, and therefore these are the most in demand in the recyclable market. Never mind the five others, because...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -