28.4 C
Batangas

Matinding pagsisikip ng trapiko, asahan sa pagdating ng puso ni Padre Pio

Must read

- Advertisement -

STO. TOMAS, Batangas — KUNG noong kapistahan ni Sto. Padre Pio noong Setyembre 23, marami ang nagsabing nagtagal sila bago makarating ang kanilang sasakyan sa pambansang dambana, lalo pa umanong magiging problema ang trapiko sa nasabing lugal mula Oktubre 5 hanggang Oktubre 7, at Oktubre 18 hanggang Oktubre 26.

“Handa naman kami sa ganitong situwasyon,” pahayag ng hepe ng Sto. Tomas PNP nang ilatag nito ang kanilang ipatutupad na sistema nguni’t malaking tulong aniya ang “information dissemination” at kooperasyon ng publiko at maging ng mga lokal na barangay sa paligid ng Pambansang Dambana.

Mayroon na palang ordinansa ang nasabing Sangguniang Bayan na nagtatakdang maging “one-way” ang patungong dambana/simbahan mula sa “main highway” galing bayan ng Sto. Tomas patungong Laguna kung saan kakaliwa ang mga sasakyan o kakaliwa kung galing sa bahagi ng Laguna at Quezon. Ang manggagaling sa Lipa City ay hanggang sa intersection lamang ng San Lucas at kinakailangang dumeretso o kumanan daan sa Sta. Clara labas ng highway at saka kumaliwa sa kantong patungong dambana.

Lahat namang manggagaling sa Dambana ay bawal bumalik sa highway; sila ay kakaliwa patungong San Lucas at doon sila lalabas depende sa kanilang patutunguhan.

“Restricted parking” ang dating “free parking ng dambana.  Ayon kay Fr. Gerald Macalinao, priest-coordinator para sa Security and Traffic, ang mga ito ay naka-reserba sa mga VIPs, mga Obispo at mga pari’t relihiyoso’t relihiyosa, at sa mga may gagampanan sa mga gawain kaugnay ng pagdalaw.

“Hindi makakapasok ang walang ‘car pass’ dahil limitado din lamang ang kapasidad ng ‘parking space’,” paliwanag ni Fr. Macalinao.

Maraming mga “private parking spaces” bago o lampas ng dambana, nguni’t kinakailangan silang sumunod sa mga batas trapiko tulad ng “walang double parking” at walang “counter-flow”.

“Talagang nakikita namin na marami ang maglalakad patungong dambana kahit sila ay may mga sasakyan,” patuloy pa ni Fr. Macalinao.

Handa na rin ang pamunuan ng Dambana sa mga “emergency situations” sa tulong ng mga “medical groups” at ng PNP at AFP na nakatalaga doon 24/7 sa mga panahon ng pagtigil ng puso ni Padre Pio sa Pambansang Dambana./lcd

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

State pension fund Government Service Insurance System (GSIS) will start releasing on December 6 more than P3.47 billion in Christmas cash gift to its old-age and disability pensioners. "Ang halagang matatanggap ng mahigit 300,000 qualified GSIS pensioner bilang Christmas cash...
IT would be a battle of two first time division winners for the most coveted MPBL Crown with the national finals slated this week. With a young, dynamic and talented core backed by a formidable partnership of two of the...
A TOTAL of 100 government workers from various agencies nationwide have won P5,000.00 each in the "Pa-Raffle ng MPL Flex" electronic raffle of the Government Service Insurance System. "Isang milyong piso ang kabuuang halagang mapapanalunan ng mga masuwerteng borrower ng...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -