In photo: Si City Mayor Atty. Jhoanna C. Corona-Villamor habang nagpapahayag ng kanyang mensahe sa isinagawang Launching on Urban Gardening & Farm Business School noong Setyembre 24, 2018 na ginanap sa Mayorโs Theater Room.|JUN MOJARES
LUNSOD NG TANAUAN, Batangas โ SA inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Tanauan, sa pangunguna ng City Agriculture Office at sa pakikipagtulungan ng Agricultural Training Institute CaLaBaRZoN at Tanauan South Central School (TSCS), sabay na inilunsad sa lunsod ang โUrban Gardeningโ at โFarm Business School (FBS)โ na dinaluhan ng mga โtarget beneficiariesโ ng programang ito noong Setyembre 24, 2018.
Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng tamang kaalaman ang mga magsasaka at ilan pang residente ng Tanauan ukol sa organic urban gardening at maturuan ng mga pamamaraan ng pagpaparami ng produksyon at kita ng kanilang mga sakahan na makatutugon sa pangangailangan ng merkado.
Kabuuang 25 magsasaka mula sa mga barangay ng Balele at Gonzales ang magiging benepisyaryo ng isasagawang FBS na ito. Tatagal ng 12 linggo ang naturang pagsasanay na mahahati sa apat na bahagi kung saan tatalakayin ang 25 paksa kabilang na ang farm business profitability, paggawa ng business and financial plans, contract planning and appraisal at iba pang mahahalagang kaalaman kaugnay sa pagtatayo ng ganitong uri ng negosyo.
Sa training naman ukol sa urban gardening, 25 miyembro ng Parents-Teachers Association at Barangay Nutrition Scholar mula sa mga urban barangays partikular sa pitong poblacion barangays ng lunsod ang magiging kalahok sa programang ito na gaganapin sa TSCS.
Ayon kay Mayor Jhoanna Corona-Villamor, siya kasama ang buong pamahalaang lunsod ay patuloy na susuporta sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programang magpapataas pa sa antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa lunsod laloโt higit ng buong sambayanang Tanaueรฑo.
Kabilang din sa dumalo para sumuporta sina Kon. Angel Atienza, Kon. Sammy Platon at City Agriculturist Renato Cunanan.|Louise Ann C. Villajuan