28.3 C
Batangas

Semana Santa at Summer vacation, pinaghahandaan ng pamahalaang lokal ng Nasugbu

Must read

NASUGBU, Batangas — PINAGHAHANDAAN ngayon ng local na pamahalaan ng Nasugbu  ang inaasahang pagdagsa ng mga turista hindi lamang ngayong semana santa kundi ngayong summer vacation.

Ayon kay Alex Pimentel, Municipal  Disaster  Risk  Reduction and Management  Officer isa sa kanilang tututukan ay ang traffic dahil sa inaasahang pagtaas ng volume ng mga sasakyan na papasok sa kanilang bayan dahil sa pagbubukas ng Access Road sa Cavite.

Tantya ng opisyal, inaasahan nilang tataas ng 40%  ang  bilang ng mga sasakyang mapaparagdag sa kasalukuyang volume ng nagyayaot sa bayang ito.

Binanggit ni Pimentel na nirebyu nila ang kanilang traffic management plan noong nakaraang taon kung saan nakita nila ang kanilang kahinaan na dapat i-improve ngayong taon.

Ayon sa pinuno ng tanggapan pinag-aaralan nila kung alin ang mga kalsada na maaaring gamitin bilang alternatibong daanan para hindi magsisiksikan sa mga pangunahing lansangan .

Samantala, babantayan din nila ang mga simbahan, resort at ilog na dinadagsa sa ganitong panahon katuwang ang iba pang ahensya partikular ang PNP.

Katuwang rin ng tanggapan ang mga opisyal ng barangay na kanilang sinanay.|J. DAVID / #BALIKAS_News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

The Meralco Power Academy (MPA), the training arm of electricity provider Meralco, has partnered with the National Transmission Corporation (TransCo) to help strengthen the...
Tarlac City, Philippines — In a landmark move that highlights Central Luzon’s emergence as a key manufacturing and logistics hub, Coca-Cola Europacific Aboitiz Philippines (CCEAP) breaks...
FOR the second consecutive year, female examinees  outnumbered males in the  bar examinations. Supreme Court (SC) Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, Chairperson of the 2025...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img