24.4 C
Batangas

Serbisyo ng Batelec II, hiniling na putulin

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

BALETE, Batangas – KUNG madalas ay inirereklamo ang Batangas II Electric Cooperative (Batelec II) sa madalas nitong brownouts, ngayon ay mismong si Balete Mayor Wilson V. Maralit na ang humiling sa kooperatiba ng power interruption.

Sa kaniyang liham kay Batelec II General Manager Octavius Mendoza, hiniling ni Mayor Maralit na pulutin ng kooperatiba ang serbisyo ng kuryente sa siyam (9) na barangay ng bayan ng Batele upang mapigilan ang anumang peligrong maaaring idulot sa buhay at ari-arian sanhi ng sunog o anumang electrical trouble bunsod naman ng nakaambang pagputok ng Bulkang Taal.

Kagyat namang inaksyunan ng kooperatiba ang kahilingan ng alkalde, kung kaya’t nag-anunsyo na sa pamamagitan ng social media ang Batelec II.

“Muli po ay ipinapaalam namin sa aming mga miyembro-konsumedores-may-ari na alinsunod sa Memorandum na inilabas ni Hon. Mayor Wilson Villapando Maralit ng Balete, Batangas ay magaganap po bukas January 19, 2020 9:00 AM ang pansamantalang pagpatay ng kuryente” sa mga sumusunod na mga Barangays sa kanyang nasasakupan: – San Sebastian, Palsara, Alangilan, Sala, Magapi, Makina, Solis, Sampalocan at Looc,” saad sa anunsyo ng kooperatiba.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -