30 C
Batangas

Startoll-Pinamucan Diversion Road, flood control projects, retaining walls prayoridad ng Batangas 2nd DEO

Must read

- Advertisement -

KASABAY ng panawagan sa publiko na maunawaan ang mga pag-sisikip sa daloy ng trapiko saan mang may mga on-going infrastructure projects, tiniyak naman ni District Engineer Sonia Paglicauan ng Batangas 2nd District Engineering Office na malaking idudulot na ginhawa sa sektor ng transportasyon ang mga kasalukuyang proyekto ng ahensya.

District Engineer Sonia Paglicauan, Batangas 2nd DEO

Sa eksklusibong panayam ng Balikas News, tinukoy ni Engr. Paglicauan ang malalaking proyekto na tinututukan ng kanilang ahensya, kabilang na rito ang Startoll-Pinamucan Diversion Road na naglalagos mula sa bahagi ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa may barangay ng Tingga, na lalagos sa San Pedro, Dumantay, Sampaga, Sirang Lupa, Libjo, San Isidro, hanggang Pinamucan at magiging pangunahing daanan ng mga naglalakihang trak ng petrolyo at iba pang produkto papasok at palabas sa Batangas City Industrial Zone.

Ani Paglicauan, bagaman at habang ginagawa pa ang diversion road ay patuloy ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Batangas-Manila Road at iba pang road networks sa lungsod, hindi naman maglalaon at ibayong kaginhawahan naman ang idudulot nito kapag natapos na ang diversion road.

Inihalimbawa pa ng opisyal ang naging sakripisyo ng mga motorista habang ginagawa ang Balagtas-Alangilan-Kumintang portion ng Batangas-Manila Road, ngunit laking kaginhawahan naman ang idinulot nang matapos na ang proyekto.

Bukod dito, patuloy na tinututukan ng 2nd District Engineering Office ang mga flood control projects sa Batangas-Mabini Road, Batangas-Tabangao Lobo Road at iba pang flood-prone areas, gayundin ang retaining walls sa kahabaan ng pampang ng Ilog Calumpang sa Batangas City.

Samantala, may dalawang landowners na lamang sa bahagi ng Batangas City-San Pascual-Bauan Diversion Road ang nananatiling hindi pa nareresolba ang road right of way issue kaya hindi pa tuluyang nakokongkreto ang ilang bahagi nito sa parte ng Barangay Balagtas, Batangas City; ngunit nakikita niya ang malaking kaginhawahan ng paglalakbay rito kapag natapos na ang nasabing proyekto.

Aniya pa, bagaman at ang Regional Office ng DPWH ang implementing agency ng ginagawang fly-over sa Balagtas Junction, patuloy naman ang kanilang pagtutok dito sapagkat kaugnay pa rin ito ng iba pang proyektong pang-imprastraktura ng distrito.|
Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -