By MICHAEL BALAGUER
Sa layuning matulungang umangat ang kabuhayan ng ating mga micro, small and medium entrepreneurs sa bansa inilunsad ng Department of Science and Technology Region 4A ang Unified Food safety Training Modules upang matulungan ang mga negosyante sa basic food hygene, food safety hazards at mga current good manufacturing practices.
Pinangunahan ng DOST region 4A Regional Director Dr. Alexander Madrigal ang programa kung saan naroon din at dumalo ang Kalihim ng DOST na si Secretary Fortunato T. dela Pena. Food and Drug Administration ng Department of Health, Department of Agriculture, si Dr. Mario V. cpanzana ng Food and Nutrition Research Institute at representante ng akademya partikular ang Unibersidad ng Pilipnas.
Hinihikayat ng administrasyon ngayon ang pagpapalakas sa mga sector na direktang may kaugnayan sa kabuhayan ng tao gaya ng agrikultura, parmasyotiko, agham atbp gayun din ang pagnenegosyo kaya mahalagang aktibidad ang ginanap na paglulunsad dahil kung maikakalat ang mahalagang impormasyong ito ay maaring ma engganyo na maunawaan ang pangunahing kalinisan sa paghahanda ng pagkain, mga katiyakan sa mga nag aambang panganib sa mga kinakain natin at ang mga mabuting kaparaanan sa pagawaan kung mga produktong proseso ay mga pagkaing ibabagsak sa pamilihan.
Source: http://www.diaryongtagalog.net/agham/unified-safety-training-modules-para-sa-msmes-inilunsad-ng-dost-4a-sa-mirdc-at-governors-forum-ng-philhealth-para-sa-mga-lgu/