26.7 C
Batangas

Yassi Pressman nag-Cebu kasama ang AP Partylist para pangunahan ang tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

Must read

SA pangunguna ng aktress na si Yassi Pressman, nagtungo ang grupo ng AP Partylist sa ilang munisipalidad sa Cebu noong nakaraang linggo mula Pebrero 9-11, 2022 para mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre.

Unang pinuntahan ng AP Team at ni Yassi ay ang Argao, Dalaguete at Toledo kung saan nagsagawa ang grupo ng feeding programs sa tulong ng mga lokal na opisyal doon. Halos dalawang buwang makalipas na humagupit ang bagyong Odette, marami pa rin sa mga Cebuano ang hindi pa nakakabangon at unti-unti pa ring binabalik sa normal ang kanilang mga buhay. nagpamigay rin sila Yassi at ang AP Team ng libreng accidental insurance na may medical reimbursement sa mga piling miyembro upang makatulong sa mga Cebuano na maging handa sa maaaring maging aksidente sa hinaharap.

Nagtungo si Yassi Pressman at ang AP Team sa mga bayan ng isla ng Camotes – ang San Francisco, Pilar, Poro, at Tudela. Labis na ikinatuwa ng mga taga isla ng camotes ang paghatid ng mga relief goods sa kanilang isla.

“Babalik at babalik po kami dito para maghatid ng tulong. Di po namin kayo nakalimutan kahit kailan at parang pangalawang tahanan na po namin ang Camotes,” sabi ni Ong sa mga taga-San Francisco ng Camotes. Si Ong ay dati nang naghahatid ng tulong sa mga taga-Camotes sa pamamagitan ng mga proyekto nitong Tulong Pangkabuhayan.

Ang #164APPartylist team, na binansag ng mga Cebuano sa grupo, ay huling nagpunta naman sa Pardo, Cebu City noong biyernes. Sabi ni Pressman, “Isa po tayong pamilya sa AP Partylist. Matagal na po natin kasama si Rep. Ronnie Ong at ang kanyang pagtulong simula pa noong umpisa ng pandemya. At sa kabila rin ng bagyong Odette, nandito po kami para tulungan po kayo para sabay-sabay po tayong umahon. Sana po bukod sa tulong ay nakapagdala kami ng ngiti sa inyong lahat.”

Ang AP Partylist ay kasama ng mga lokal na opisyal at ibang mga organisasyon sa komunidad  na nagsagawa ng feeding programs at namahagi ng free insurance cards upang matulungan ang ating mga kababayan sa maaaring aksidente na mangyari sa hinaharap.|-BNN/pr

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Ozamiz City, Misamis Occidental – Young leaders in Ozamiz are taking center stage with the launch of the BRAVE Project (Building Resilient and Aware...
THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -