25.2 C
Batangas

Batangas Province, nanguna sa 2018 Region 4A Local Gov’t. Finance

Must read

- Advertisement -

By MARK JONATHAN MACARAIG

BINIGYANG pagkilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region IV-A (CALABARZON) sa katatapos na 2018 Mid-Year Performance Evaluation ang mga natatanging mga tagatasa at ingat yaman, kabilang ang mga Provincial Treasurer, Provincial Assessor, 2 Municipal Assessors at isang Municipal Treasurer mula sa Lalawigan ng Batangas.

Ang awarding ceremony ay ginanap sa Binangonan Recreation and Convention Center, Binangonan, Rizal noong ika-3 ng Agosto taong kasalukuyan.

Ipinagkaloob ang Plake ng Pagkilala, sa pinakamaaga at tamang pagsumite ng 2017 Quarter 1 – 4 Electronic Statements of Receipts and Expenditures (eSRE) Reports sa buong rehiyon sa Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Batangas Provincial Treasurer Fortunata G. Lat; at sa Bayan ng San Pascual, sa pangunguna ni Municipal Treasurer Dolores A. Gaa, para sa municipal level.

Kaugnay nito, nakamit rin ni Gng. Lat ang parangal na kumikilala sa kanyang pamumuno, napakahalagang kontribusyon at hindi matatawarang pagsusumikap upang malampasan ang Revenue Collection Target ng Probinsya sa taong 2017 sa apat na kategoryang Real Property Tax, Business Tax, Fees and Charges and Economic Enterprise.

Iginawad naman kay Provincial Assessor Engr. Eduardo B. Cedo, Jr. ang pagkilala para sa mas pinabuti at pinalawig na Real Property Tax (RPT) Base na nagbigay ng malaking tulong para malampasan ng Batangas Province ang Revenue Collection Target sa kategoryang Real Property Tax.

Samantala, sa Highest Total Assessed Valuation para sa taong 2017, nanguna sa lahat sa buong rehiyon ang Probinsiya ng Batangas, sa tulong ni Batangas Provincial Assessor Engr. Cedo, na nakapagtala ng Php 114,871,526,690.00 total assessed valuation. Sa municipal category, Top 1 ang Calaca, Batangas sa pangunguna ni Municipal Assessor Eduardo S. Matalog na may total assessed valuation na Php 36,937,261,530.00. Top 2 ang Sto. Tomas Batangas sa tulong ni Municipal Assessor Fredelito C. Bartolome na may Php 12,870,021,060.00 at bayan ng Nasugbu sa pagsusumikap naman ng Municipal Assessor nito na si Erlinda A. Dasal  bilang Top 3.|#BALIKAS_News

IN PHOTO: Kabilang ang mga Tanggapan ng Provincial Treasurer at Provincial Assessor sa binigyang pagkilala ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region IV-A (CALABARZON) sa katatapos na 2018 Mid-Year Performance Evaluation. Ipinakita nina Asst. Provincial Treasurer Tess Ayap (3rd mula kaliwa) at Provincial Assessor, Engr. Ed Cedo, Jr., ang kanilang mga nakamit na plake kina Board Members (mula kaliwa) Junjun Rosales, Devs Balba, Weng Sombrano-Africa, Lydio Lopez at Jaypee Gozos sa Provincial Auditorium.|Vince Altar / Jj Pascua

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -