PINARANGALAN ng 8th Asia-Pacific Stevie Awards ang BDO Unibank sa mga inisyatiba nito na nagpapaunlad ng business innovation at effective communications. Ito ang unang beses na nakakamit ng gantimpala ang BDO Unibank sa Stevie Awards.
Napalanunan ng The Wayfinder, ang newsletter ng mga empleado ng BDO Unibank, ang Gold Award for Innovation in House Organizations and Publications under the Annual Report Awards & Other Publication Categories. Kinilala ng Stevie Awards ang mga istorya nito na nagpapakita ng mga karanasan na hinarap ng mga empleado ng BDO sa ilalim ng COVID-19 pandemic. Ayon sa Stevie Awards, ang mga kuwento ay nagpatibay ng pagkakaisa, empatiya, at kooperasyon sa mga empleado ng BDO Unibank.
Nakamit din ng BDO Unibank ang dalawang Silver Stevie Awards at dalawang Bronze Stevie Awards:
· Silver Steve Award for The Most Valuable Corporate Response under the COVID-19 Response Categories for its ATM on Wheels initiative, which allowed cash accessibility amid community quarantine restrictions
· Silver Stevie Award for Innovation in the Use of Celebrities or Public Figures under the Corporate Communications, Investor Relations, and Public Relations Categories for its partnership with emerging social media influencers, TikTokers, to support its new BDO Remit videos starring endorser Piolo Pascual.
· Bronze Stevie Award for Innovation in the Use of Video under Corporate Communications, Investor Relations, and Public Relations Categories for its anti-scam video, “Utakan Ang Scammer (Outsmart Scammers),” which equips clients with information to combat scam attacks
· Bronze Stevie Award for Innovation in Public Relations Videos under the Videos Categories for “Celebrating Everyday Heroes,” an inspirational video montage showing how Filipinos found ways to help each other cope through one of the world’s biggest health crises.
Ayon kay BDO SAVP and Corporate Communications Head Honey Reyes, “Mas pinaigting ng pandemya ang kahalagahan ng komunikasyon. Kinailangan namin baguhin ang paraan sa pakikipag-ugnayan sa publiko at palakasin ang paggamit ng digital communications channels para sa aming tungkulin na magbigay ng tama at makatotohanang impormasyon.”
Dagdag pa ni Stevie Awards President Maggie Gallagher, “Ang mga organisasyon na nanalo ngayong taon ay nagpakita ng kanilang kakahayan na mag-innovate at magtagumpay sa ilalim ng COVID-19 pandemic, at pinupuri namin ang kanilang tiyaga at pagiging malikhain.”
Ang Asia-Pacific Stevie Awards ay ang nag-iisang award-giving body na nagbibigay parangal sa innovation ng mga negosyo na sakop sa 29 na bansa na bumubuo ng Asia-Pacific region. Kinikilala ang Stevie Awards bilang ang pinaka-premyadong business awards sa buong mundo.
Mahigit 900 na nominasyon mula sa iba’t-ibang organisasyon sa Asia-Pacific region ang tinanggap ngayong taon. Ang mga nanalo ay natukoy noong March at April 2021 gamit ang average score na binigay ng mahigit na 100 na negosyante na kinilala din bilang judges.|