30 C
Batangas

BDO Network Bank, kasama ng mga ‘minigosyante’ sa pagbangon

Must read

- Advertisement -

MAY pag-asa pa bang makabangon ang mga minigosyante o may-ari ng maliliit na negosyo sa gitna ng nararanasang pandemya? Ang simpleng sagot ay oo.

Isa ang BDO Network Bank (BDONB) sa mga financial institutions na tumutulong sa mga tinatawag na micro and small entrepreneurs (MSME) na makabangon muli at maipagpatuloy ang negosyong nasimulan.

Sa pamamagitan ng MSME Loan ng BDONB, mabibigyan ng dagdag puhunan ang mga maliit na negosyo, na may kaakibat na magaan na singil sa pagbabayad nito. 

“Nais namin bigyang atensyon ang mga maliit na negosyante at makitang lumago muli ang kanilang negosyo. Ang pag-unlad ng mga MSMEs ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa,” paliwanag ni Jesus Antonio S. Itchon, president ng BDONB.

Bukod sa mga MSMEs, may financial solution din ang BDONB para sa mga guro sa pamamagitan ng produkto nitong Salary Loan. Ayon kay Itchon, maraming natutuwa katulad ng isang guro mula sa Mindanao ay pinuntahan ng isang BDONB account officer sa kanilang lugar upang makapag-apply ng kinakailangang halaga. Hindi na kinailangan ng guro na bumyahe at pumunta sa bangko dahil dito.

“Una sa aming listahan ang maging ka-partner sa pag asenso ng kabuhayan at masuportahan ang financial needs ng ating komunidad. Kaya naman patuloy ang pagbubukas ng mga BDONB branches at loan offices sa buong Pilipinas para suportahan ang pangangailangan ng mga customers at upang makasabay sila sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya,” dagdag ni Itchon.

Ang BDONB ay ang rural bank subsidiary ng BDO Unibank. Ang linyang “Sama-sama Tayo” ang pangakong pinatutupad ng BDONB sa lahat ng mga customers sa tulong ng mga produkto at serbisyo nito.

Para malaman kung anong financial solution ang nababagay sa iyong pangangailangan, bisitahin lang ang BDO Network Bank PH Facebook page (fb.com/BDONetworkBankPH), BDONB website (bdonetworkbank.com.ph), o  pumunta sa pinakamalapit na BDONB branch.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Elyssa Lopez, Philippine Center for Investigative Journalism Liquefied natural gas may be a new industry in the local energy sector, but old names are behind the companies bringing the technology to Philippine shores.  Based on proposals submitted to the Department...
ISLA VERDE, Batangas City -- LIGTAS at wala ng dapat ikabahala ang mga lokal at dayuhang turista na nagbabalak magbakasyon ngayong Semana Santa at mga susunod na araw dito sa Isla Verde.” Ganito inilarawan ni Vice Governor Mark Leviste ang...
BRINGING the Best of Farmers' Harvests to You, at the SM Sunday Market Now open at 33 malls nationwide, from 7AM to 2PM, the SM Sunday Market has begun to offer fresh produce and fruits in season, flowers and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -