24.7 C
Batangas

Dating coal storage facility, ‘binili’ na ng probinsya sa pamahalaang nasyunal

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – TULUYAN nang ibinigay ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas kay Gobernador Hermilando I. Mandanas ang otoridad na katawanin ang lalawigan sa tuluyang ‘pagbili’ ng probinsya sa may mahigit 29-ektaryang lupang dating nasa pangangasiwa ng Philippine Coal Authority (PCA) upang mapagtayuan ng regional food terminal (RFT).

Kasunod ng ilang pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng Committee on Laws na pinamumunuan ni Bokal Jonas Patrick Gozos, pinagtibay ng kapulungan ang resolusyong nagbibigay otoridad sa gobernador para ituloy ang transaksyon sa ngalan ng pamahalaang panlalawigan.

Matatandaang noon pa mang taong 2003, ay ipinanukala na ni Gob. Mandanas ang pagtatayo ng nasabing regional food terminal na bukod sa magdadala ng pamumuhunan sa probinsya at magsusulong ng mas murang produktong agrikultural ay magbibigay rin ng trabaho sa lumolobong work force ng lalawigan.

Sa ilalim ng panukala, walang anumang salapi o pondo mula sa pamahalaang panlalawigan ang ibabayad sa PCA sapagkat ang pribadong kumpanyang Liberty Builders na siyang nagbalak mamuhunan sa pagtatayo ng RFT ang siyang maglalagak ng salaping ibabayad sa PCA. Ang naturang lupa ng PCA ng panahong iyon ay nasa pangangasiwa na ng Board of Liquidators (BOL). Kapag nadebelop na, magbibigay rin ang debeloper (Liberty Builders) ng humigit-kumulang 3.5 ektayang lupa (developed) sa probinsya na siyang tubo ng lalawigan sa transaksyon.

Ngunit hanggang sa matapos ang kaniyang unang ikatlong termino bilang pununlalawigan noong 2004, hindi natuloy ang pagbili ng lupa sa PCA/BOL hanggang sa dumating ang panahon na hindi na pumayag ang Board of Liquidators na ipagbili sa probinsya ang naturang ari-arian.

Sa kaniyang muling pagbalik sa kapitolyo noong Hunyo 2016, muling inianunsyo ni Gobernador Mandanas ang nauna niyang panukalang RFT. Dahil dito, nakipag-ugnayan siya sa Privatization Management Office (PMO) upang muling isulong ang proyekto. [Sa Bisa ng EO 471, ang dating BOL ay napa-merge na sa PMO.] Ang Liberty Builders pa rin ang interesadong debeloper para sa RFT.

Sa bisa naman ng isang bagong resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan, binigyang otoridad ang gobernador na makipagkasundo sa PMO para maituloy ang transaksyon. Ang dating halaga ng ari-arian ng PCA noong 2003 ay P125-milyon lamang, ngunit lumobo ito sa P581-milyon nitong 2017 batay sa kasalukuyang valuation na P2,000 kada metro kwadrado.

Bago ang itinakdang deadline na May 31, 2018, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan noong Lunes, Mayo 28, ang resolusyon na nagbibigay otoridad kay Gobernador Mandanas na ituloy ang transaksyon. Ilalagak ng ng debeloper ang kabuuang P581-milyon para ibayad ng probinsya sa PMO; gayundin ang katumbas na halaga ng 3.5 ektaryang dapat sana mapapunta sa probinsya.

“This endeavor is very beneficial to the province of Batangas. More than the value of investment that the investors will pour in are the numerous jobs that our kababayans will be gaining,” pahayag ni retired City Fiscal Cesar Castor, panlalawigang manananggol.

“Malaki po ang inaasahang benepisyo dito ng ating pamahalaang panlalawigan sa usapin ng pamumuhunan, kalakalan at trabaho na alam nating siyang pangunahing layunin ng ating butihing gobernador, kaya naman buo rin ang suporta ng Sangguniang Panlalawigan sa proyektong ito,” dagdag pahayag naman ni Senior Board Member Rowena Sombrano-Africa.

Samantala, ang pagtatayo ng RFT ay kabilang sa mga priority projects na iniendorso ng Provincial Development Council (PDC) sa Regional Development Council (RDC) at National Economic Development Authority (NEDA).|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS City — After nine (9) months of rolling out the Master of Disaster (MOD) board game across 16 schools in Batangas City, Shell Pilipinas Corporation Master of Disaster program culminated its first run last Friday, September 6, 2024...
CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -