27.8 C
Batangas

‘Kamay na bakal sa driver na pasaway’ – BM Blanco

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

KAPITOLYO, Batangas – NABIBILANG na nga ang araw ng mga pasaway na drayber at ilalapat na ng pamahalaan ang kamay na bakal upang maging kapaki-pakinabang sa publiko ang mga pinaluwang na mga kalsada at matiyak ang disiplina sa lansangan.

Ipinaliwanag ni Bokal Arthur Blanco sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Lunes, Agosto
20, ang kagalingan ng panukalang ordinansa na kaniyang inakda.| Contributed photo

Ito ang pahayag ni Board Member Arthur ‘Bart’ Blanco ng Batangas City Lone District matapos makapasa sa ikalwang pagbasa ang kaniyang inakdang panukalang Ordinance on Transport and Road Usage in the Province of Batangas, and for Other Purposes.

Ani Blanco nakakapanghinayang ang pondo ng pamahalaan na ginamit upang mapaluwang ang mga kalsada kung hindi ito magagamit nang maayos dahil sa kawalangn disiplina ng mga drayber o ng mga may-ari ng mga sasakyan.

Aniya pa, isang malaking factor sa pagsulong ng lalawigan o sa pag-unlad ng bansa ang maayos na mga lansangan at maayos na pangangasiwa ng trapiko kung kaya’t kailangang may isang matibay na ordinansa na may ngipin upang maipatupad nang maayos.

Masasaklaw ng nasabing panukalang ordinansa ang lahat ng mga national at provincial highways sa nasasakop ng Lalawigan ng Batangas. Nilinaw ni Bokal Blanco na hindi nito sasakupin ang mga municipal at city roads at ang mga ito naman ay nasa pangangasiwa ng kani-kaniyang munisiyo o syudad.

PAGDINIG ng Sangguniang Panlalawigan sa panukalang ordinansang inakda ni Bokal Arthur Blanco.| jJOENALD MEDINA RAYOS

Matatandaang noon pa mang Hulyo 2016 at Nobyembre 2017 ay naging paksa na ng Privilege Speech ni Blanco ang panukalang ito.

Ayon kay Blanco, matagal na niyang inirerekomenda ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Provincial Public Order and Safety Services (PPOSS) na maging deputized personnel o agents ng Land Transportation Office (LTO) sa pangangasiwa ng trapiko at mga lansangan sa lalawigan.

Aniya, matagal na ring inihayag ng nasabing ahensya na nakahanda silang i-deputize ang PPOSS personnel. Bukod aniya sa masosolusyunan ang problema sa trapiko ay magiging source of revenues para sa lalawigan.

Nilinaw naman ng bokal na ang ibig niyang ipakahulugan sa “pangangailangan ng kamay na bakal sa pangangasiwa ng trapiko” ay hindi ang pagsasamantala o hindi pag-iral ng batas, manapa ay ang pantay na pagpapatupad saan mang bahagi ng lalawigan.

Kapag PPOSS na umano ang nangasiwa ng trapiko, maiiwasan ang padrino system o palakasan at pamumulitika sapagkat  hindi maaaring lakarin o ipakiusap ng malalapit sa mga alkalde o ginagawang dahilan ang pagiging malapit sa mga alkalde o iba pang opisyal ang pagsuway sa batas trapiko.

Sa ilalim ng sistemang ito, ipinanukala rin ang paghila (towing) sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga hindi itinakdang paradahan gaya ng mga gilid ng kalye, dahilan upang hindi magamit ng maayos ang mga pinaluwang na mga kalsada sa lalawigan.| #BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -