25.8 C
Batangas

Kontrata para sa Solar Electrification sa San Agapito, Isla Verde, nilagdaan na

Must read

- Advertisement -

ISLA VERDE, Batangas City — TULOY na tuloy na ang Solar Electrification Project sa San Agapito, Isla Verde matapos lagdaan ang Contract of Lease sa pagitan ng Batangas City Government at ng Manila Electric Company (MERALCO), project proponent, para sa operasyon, maintenance at management services ng Isla Verde Solar Photovoltaic Plant sa loob ng 25 taon.

Ito ay nilagdaan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at Mr. Alfredo Panlilio, senior vice president at head ng Customer Retail Services at Corporate Communi-cations ng Meralco, nitong Martes, Enero 22.

Ang nasabing proyekto ay isang malaking ehemplo ng public private partnership alinsunod sa Batangas City PPP Code o Ordinance No. 3, s. 2013 para sa ibayong kaunlaran ng lungsod.

Pagkatapos ng contract signing, tinanggap ni Mayor Dimacuha ang Notice of Award habang tinanggap naman ni Panlilio ang Notice to Proceed, hudyat ng simula ng proyekto na magbibigay ng elektrisidad sa may 31 kabahayan sa nasabing barangay.

Magsisimula ang planta sa total generating capacity na 0.1920MW gamit ang Solar Photo Voltaic Cells.

Ang lighting ceremony ay nakatakdang isagawa sa Pebrero 15, isang kaganapan ng matagal na panahon ng paghihintay ng mga taga-Isla Verde na mabiyayaan ng kuryente at malasap ang ginhawa at benepisyong dala nito sa kanilang buhay.

Isa rin ito sa mga layunin ni dating Mayor Eduardo Dimacuha na binigyang katuparan ni Mayor Beverley.

Nilagdaan ni Mayor Beverley and deed of donation noong naka-raang taon para sa 615 units ng solar panels, inverters at iba pang equip-ment upang masimulan na ang nasabing proyekto.

Bukod kay Mayor Dimacuha, sumaksi rin sa contract signing sina City Administrator Narciso Macarandang, City Legal Officer Teodulfo Deguito, Environment and Natural Resources Officer Oliver Gonzales at City Planning and Development Coordinator Januario Godoy.

Tumayong witnesses sa panig ng Meralco sina Bernard Castro, vice-president at head ng South Distribution Services at Ma. Corazon Pilapil, manager ng Meralco Batangas Business Center.|#

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the University’s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -