By JOENALD MEDINA RAYOS
TANAUAN City โ PUMALAG si Mayor Jhoanna Corona-Villamor sa lumabas na balita sa news portal ng isang broadsheet newspaper na isasama na umanong imbestigahan ng pulisya ang posibleng partisipasyon o kinalaman ng alkalde sa pagpatay sa kaniyang pinalitang si dating Mayor Antonio Halili noong Hulyo 1, 2018.
Sa napalathalang balita, batay umano sa panayam ng kanilang himpilan ng radio, sinabi umano ni Chief Supt. Edward Carranza, CALABARZON Police Regional Director na mas palalalimin pa ng pulisya ang imbestigasyon sa kaso upang mabatid ang lahat ng posibleng anggulo at matukoy ang mga indibidwal na may kinalaman sa pagpaslang kay Halili. Itoโy matapos umanong mapanood sa isang video footage na tila nakangiti pa ang noon ay si Vice Mayor Corona-Villamor.
โThe video is shocking, she [Villamor] is smiling and acting that way when everybody was in panic. Itโs a new angle and we will investigate,โ pahayag umano ni Carranza sa panayam ng Radyo Inquirer.
Ilang araw matapos mapaslang si Halili, nanumpa bilang bagong alkalde ng lungsod si Corona-Villamor.
โNakakalungkot lang na ginagamit yung video na yun para sirain yung pangalan ko, pangalan ng pamilya koโ, bungad na pahayag ni Mayor Corona-Villamor.
โFor clarification ano, nagrelease na po ng statement ang ating regional director, si General Carranza, na.. he mentioned na on-going pa rin yung investigation pero hindi niya ako ini-implicate or hindi ako kasama sa iniimbestigahan,โ paglilinaw pa niya.
Pahayag pa ng alkalde, โnakakalungkot po na may mga tao na ginagamit ang video na ito para sirain yung aking pangalan, sirain ang pangalan ng aking pamilya. Ah, unang-una, yung video na yun, from the very start ay nakita ko na. It was a video taken by the CIO (City Information Office) of the city government. From the very start ay nakita ko na ang video nay un, from the very start may access na ako sa video na yun at pupwede kong ipa-delete yung video na yun kung ginusto ko dahil may access nga ako sa video na yun. On the day na mabaril si Mayor Thony ay nakita ko na yun. Pero hindi ko ginawa, hindi ko ipinabura, hindi ko dinelete dahil wala akong kailangang itago.โ
Idinagdag pa niya, โhindi ako natatakot na bakit ganun yung itsura ko sa video. Maaaring nakangiti ako o nakuhanan ng video na nakangiti ako, ah, it was during our flag raising ceremony, maaaring nakangiti ako habang kumakanta ng Lupang Hinirang, at masyado ng magulo yung moment na yun, ano. Kung ano man yung nakuha nung camera, it doesnโt prove anything, walang ibig sabihin iyon. Siguro kung isa-isahin mo yung itsura nung mga tao, nung mga empleyado na nandoon during the flag raising ceremony, nasasabi bang ako lang yung may ganoong itsura na tila ba nakangiti?โ
Kilala si Mayor Jhoanna bilang isang masayahing babae na palaging nakangiti, gaya rin ng yumaong alaklde na isang mapagbiro.
โAlam naman ng lahat na mabiro si Mayor Thony. Every Monday, during flag raising ceremony, magkatabi kami ni Mayor Thony, marami syang comments, marami syang jokes… So maaaring nung moment na yun hindi ko alam, kasi nung mapasigaw si Mayor Thony, akala ko nagjo-joke sya. From the very start ay sinabi ko, hindi ko na-realize na it was a gunshot, until nakita ko si Mayor Thony na nakahiga na. So, maaaring pagtingin ko, nakangiti ako kay Mayor Thony, but it doesnโt mean anything. Hindi ibig sabihin nun na masaya ako na nabaril si Mayor Thony,โ pagdidiin pa ng alkalde.
โMay nakita sa video na nakangiti ako, pero nakita ba nyo na tumakbo ako? Hindi naman nyo nakita kung gaano ako nanginginig habang tinatawagan ko yung father ko habang tumatakbo ako. Walang nakakita kung paano ako umiyak, after narealize ko na Mayor Thony was shot. So napaka-unfair na doon lang sa video o doon lang sa facial expression ko ang focus nung tao o nung mga tao na gustong manira sa pangalan ko,โ aniya pa.
Naniniwala rin umano ang alkalde na malinaw na isang pamumulitika lamang ang pagdadawit na ito sa kaniya sa kaso ng pagpatay kay Halili.
โWell, Iโll be honest, sa tingin ko it was a politically motivated, it shows naman sa timing nung release nung video, nung release nung statement, nung release nung article. From the very start ay nakita ko na yung video, first day pa lang ay nakita ko na sya, at masasabi kong may access na rin kung sino yung nagpalabas nung video na ito, from day 1. So ang tanong, bakit ngayon lang ito nila ini-release kung kailang malapit na ang eleksyon, kung kailang malapit nang magsimula yung kampanyahan. Kaya sa tingin ko, it is a politically motivated,โ pagtatapos ni Mayor Corona-Villamor.
Pinaslang si Halali habang inaawit ang Lupang Hinirang kasama ang may 400 pang opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod ng Tanauan. Dati ng nakasama sa narcolist ni Halili at inalisan ng supervisory authority sa local police force. Nakilala rin ang nasirang alkalde sa kaniyang shame campaign sa pamamagitan ng pagpaparada sa mga nahuhuling magnanakaw at drug pushers sa lungsod.
Sa darating na eleksyon, magkakaharap-harap sa pagka-alkalde ng lungsod sina 3rd District Board Member Alfredo C. Corona, ama ni incumbent Mayor Jhoanna, at ang anak ni Halili na si Angeline, at dalawang iba pang kandidato.|#BALIKAS_News