27.3 C
Batangas

Mike Enriquez, pumanaw na sa edad na 71

Must read

- Advertisement -

SUMAKABILANG-BUHAY na ang batikan at beteranong mamamahayag na si Mike Enriquez (Miguel Castro Enriquez) sa edad na 71.

Kilalang haligi ng industriya ng Philippine radio broadcasting at ng GMA Network, si Mike ay isa sa mga anchor ng flagship newscast ng GMA na “24 Oras” at naging host ng long-running GMA Public Affairs program na “Imbestigador.”

Naglingkod bilang President ng RGMA Network, Inc., naging Senior Vice President at Consultant for Radio Operations ng GMA Network. Siya rin ang pinahamahabang naging anchor ng mga programa ng DZBB na “Super Balita sa Umaga” at “Saksi sa Dobol B.”

“It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel ‘Mike’ C. Enriquez, who peacefully joined our Creator on August 29, 2023,” saad ng opisyal na pahayag ng GMA Network. “He joined the broadcast industry in 1969 and then became part of GMA Network in 1995, wholeheartedly serving the Filipino audience for 54 years.”

“The Board of Directors, management, and employees of GMA Network, Inc. deeply mourn the passing of Mr. Enriquez. His dedication to the industry will serve as an inspiration to all. We pray for the eternal repose of our beloved Kapuso.”| – (Mula sa balita ng GMA Network)

[N.B. Lubos pong nakikiramay ang buong BALIKAS News Network sa pagpanaw ng kinilalang “icon” ng Filipino journalism.]

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Hey there SuperFam! Treat the most special man in your life this Father’s day at SM Malls in Batangas. From Jun 14 – 16, SM Malls in Batangas will help you express gratitude, love and appreciation to the main man...
NAGLABAS ng pahayag ang Roxas and Company, Inc. (RCI) ukol sa naganap kamakailan na kilos protesta ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) mula sa Nasugbu, Batangas. Nanawagan ang RCI sa lahat ng mga panig na kalahok sa isyu na igalang...
MALACAÑANG – The Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) strongly denounced the physical attack perpetrated by members of the transport group, ‘MANIBELA” against a member of the press while covering a transport strike staged by the group early...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -