29.4 C
Batangas

P5-bilyon investment scam, nabuko sa Lipa City; mga biktima, nagpasaklolo

Must read

- Advertisement -

TINATAYANG nasa P5-bilyon ang salaping umano’y halos maging bula na lamang matapos mabiktima ng isang investment scam sa Lungsod ng Lipa na nabuko nitong nakalipas na linggo.

Sama-samang nagtungo sa punong tanggapan ng Department of Justice (DoJ) sa Maynila ang umano’y mga biktima ng isang investment scam sa Lungsod ng Lipa, Hiwebes ng hapon.

Sa pangunguna ni Punumbarangay Ariel Mantuano ng Brgy. Malagunlong, nagpasaklolo kay dating Lipa City Mayor Meynard Sabili ang ilan pang nagpakilalang umano’y mga biktima ng investment scam upang maidulog sa DOJ ang naturang usapin at makamit ang hustisya sa umano’y panlololo sa kanila.

Hawak ni Punumbarangay Ariel Mantuano ang tseke na inisyu sa kaniya ni Engr. Ronald R. Rivera kaugnay ng kaniyang investment sa Rivercom Construction Development, Inc.

Ang itinuturong umano’y responsable sa naturang investment scam ay isang nagngangalang Engr. Ronald R. Rivera, na umano’y presidente at CEO ng Rivercom Construction Development, Inc., ang asawa nitong si Shielan Crisel Rivera, at iba pang kasamahan nila.

“Hindi ko akalaing lolokohin kami ng ganito ng taong ito dahil inaanak ko pa siya sa kasal,” saad pa ni Mantuano.

Ayon naman kay Engr. Jaypee Mantuano, pamangkin ni Kap. Ariel at kababata ni Rivera, hindi nila maisip kung papaanong gagawing lokohin sila sa mga investment na inilagak ng kanilang pamilya.

Ang photocopy ng tseke na inisyu kay Jaypee Mantuano, isa sa mga nalokong imbestor.|

Ito rin ang karaingan nina Ace Lacorte, Sugor Soldevilla at Eunice Caraan na magkakasamang nagtungo sa DOJ-Manila nitong Huwebes.

Nagsimula umano silang hikayating mag-invest noong Enero 2021. Sa una ay nakapagbigay pa ng interest mula 10% hanggang 25% ngunit nang tumagal ay nawala na pati ang kanilang mga puhunan, hanggang sa tumalbog na ang mga tseke na inisyu sa kanila ni Rivera.

Ilang mga tseke na inisyu umano ni Rivera na nagkakahalaga ng P1-milyon, P40-milyon, P75-milyon, at iba pang halaga ang ipinakita ng mga biktima bilang ebidensya sa kanilang paghahabol kay Rivera.

Ang mga tseke na iniyu naman kay Sugor Soldevilla. SI Soldevilla ay dating nagtatrabaho rin sa Rivercom na narahuyong mag-invest din sa kumpanya.|

Pinaniwala umano sila ni Rivera na may malalaking job orders sa Vibro Plant ng Rivercom at dito sila unang inalok na mag-invest ng pamumuhunan. May mga pagkakataon pa anila, ayon kay Kap. Ariel, na isinama sila sa mga quarry site sa Pampanga na sinasabing bahagi ng malaking negosyo ng Rivercom ngunit kalaunan ay nabatid nila na wala palang mga kaukulang permit at hindi na nag-operate, at maging ang sinasabing malalaking job orders sa Vibro Plant ay peke pala at ginamit lamang pain para marahuyo silang maglagak ng pamumuhunan dito.

https://ernestplaceboracay.com/

Nag-isyu rin ng mga stocks certificates ang Rivercom ngunit ayon kay Kap. Ariel ay nadiskubre rin nilang hindi pala otorisado ang Rivercom na magbenta ng stocks nang kanilang beripikahin sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Nito ring Huwebes, sinikap ng BALIKAS News na makuha ang panig ng mga Rivera kaugnay ng mga alegasyon ng mga biktima ngunit wala silang sagot hanggang sa noon ding Huwebes ng gabi ay na-deactivate na rin ang kanilang mga social media accounts.
Kasunod nito, umaasa ang mga biktima na makakamit nila ang hustiya sa kanilang sinapit na kalbaryo.

Tiniyak naman ni former Mayor Sabili na patuloy niyang aaalalayan ang mga nabiktima na ma-observe ang due process of law at maibalik sa mga biktima ang kanilang mga pamumuhunan.|- JMR / BALIKAS News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

THE Armed Forces of the Philippines (AFP) and the U.S. military will conduct the 39th iteration of Balikatan, the largest annual bilateral training exercise between the two Allies, from April 22 to May 10.  The exercise directly supports the...
Brace up for possible power outage should current energy supply situation worsen as 19 power plants are on forced outage, the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) warns. In an advisory issued early Tuesday, the transmission operator said the...
Aboitiz Construction has been selected to undertake various construction and maintenance projects within the Aboitiz Group. Leveraging the firm's expertise and proven track record in the construction industry, it complements the expansion requirements of the Aboitiz business units. With Aboitiz...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -
Balikas News Network