27.6 C
Batangas

Pabustan at Coach Kevin, umuwi sa Batangas dala ang kampeonato

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS, Publisher/EIC; & MARIE V. LUALHATI, Contributor

‘UMUWI’ na saLunsod Batangas si Jetro Pabustan, 28, upang iprisenta kay Pununlunsod Beverly Rose A. Dimacuha ang simbolo ng kaniyang pagiging maghusay na boksingero kasama ng kaniyang coach na isang taal na Batangueño.

Tubong Lunsod General Santos si Jetro Pabustan, subalit itinuring na niyang sariling tahanan ang Lunsod Batangas kung saan siya nagsimulang magsanay ng boksing noong 2017  sa kamay ng Batangueñong si coach Robert Kevin Wolfert.

Nitong Lunes, ‘umuwi’ dito sa Lunsod Batangas si Pabustan upang ipresenta kay Mayor Dimacuha ang kanyang Bantamweight Championship Belt at ang Gabriel  “Flash” Elorde Award.

Kasama ni Pabustan ang malalaking pangalan sa larangan ng boxing na sina World Boxing Champion Manny Pacquiao, IBF Flyweight Champion Donnie “Ahas” Nietes at iba pa..|

Nakuha ni Pabustan ang nasabing Championship Belt (WBO Asia Pacific) nang talunin niya si  Tatsuya Takahashi na kilalang “hard-hitting” Japanese boxer sa bantamweight fight nila noong  July 3, 2017 sa Korakuen Hall, Tokyo Japan.

Iginawad kay Pabustan ang Gabriel “Flash” Elorde Award sa 18th Gabriel “Flash” Elorde Boxing Awards Banquet of Champions 2018, noong March 25 sa OKADA, Manila. Dito ay nakasama niya ang mga kilalang Filipino boxers kagaya nina World Boxing Champion Manny Pacquiao at IBF Flyweight Champion Donnie “Ahas” Nietes at iba pa.

Ayon kay coach Kevin, tuluy-tuloy ang pag-eensayo ni Pabustan kung saan madalas ay makikitang tumatakbo siya sa Batangas Provincial Sports Complex sa Barangay Bolbok at sa Provincial Community Park.

“Advantage po ang running dito sa city, dahil walang air pollution,” sabi ni coach Kevin. Ang iba pang training nila ay ginagawa sa kabubukas pa lamang niyang na Wolf-Pack Gym sa may D. Silang St.

Dagdag pa ng dalawa, maaari anila silang mabigay ng pagsasanay sa mga mahihilig sa boxing at gustong makilala sa sport na ito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
A silent revolution is underway in the busy field of education, where the curriculum always demands, and the clock is continuously running. This change is about something far more fundamental than flashy technology or popular teaching approaches—our attitudes. Psychologist...
OUT OF the seven plastic categories, the first two, namely Polyethylene Terephthalate (PET) and High-Density Polyethylene (HDPE) are the easiest to recycle, and therefore these are the most in demand in the recyclable market. Never mind the five others, because...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -