26.1 C
Batangas

‘Pagbuhay sa PNOC at oil fund, solusyon sa mataas na presyo ng langis’ – Marcos

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City – SA patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo o ang kawalan ng matatag na presyo nito sa pandaigdigang merkado na siyang nagiging dahilan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at transportasyon sa bansa, may nakikitang solusyon si Nacionalista Party senatoriable Imee Marcos na aniya’y tiyak na workable para gawin ng pamahalaan.

Sa kaniyang pagbisita sa Lungsod ng Batangas kamakailan, sinabi ni Marcos na may pag-asa pang solusyunan ang mabilis na pagmahal ng presyo ng produktong petrolyo kung ang pamahalaan mismo ang mag-iimbak ng produkto sa panahon na mababa ang bentahan sa pandaigdigang merkado at maipagbili ito sa mababang halaga rin sa local transport sector sa panahon na sumisipa namang pataas ang presyo nito.

“Noong panahon ng tatay ko, binuo niya ang Philippine National Oil Corporation (PNOC) na siyang nag-iimbak ng produktong petrolyo upang siyang umayuda sa local transport sector kapag nagmamahal na ang langis sa pandaigdigang pamilihan, at nakikita natin na sa ganito ring pamamaraan natin maaayudahan ang ating transport sector,” paliwanag pa ni Marcos.

Matatandaan na noong panahon ng administrasyon ni Pangu-long Ferdinand Marcos, hindi niya hinayaan na maging sunud-sunuran lamang ang Pilipinas sa oil cartel ng mga bansang Arabo na siyang ginagamit bilang economic weapon, kung kaya binuo niya ang PNOC.

Pagkalipas ng administrasyong Marcos, in-abolished na ng pamahalaan ang oil fund at isinapribado na ang PNOC. Resulta nito, balik na naman ang mga motoristang Pilipino sa kung ano ang idinidikta ng world market pagdating sa presyuhan ng produktong petrolyo.

“Mahalagang silipin natin na maibalik ang oil price stabilization fund para protektahan ang ating mga kababayang Pilipino sa pabigla-biglang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo,” dagdag pa ni Marcos.| Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Elyssa Lopez, Philippine Center for Investigative Journalism Liquefied natural gas may be a new industry in the local energy sector, but old names are behind the companies bringing the technology to Philippine shores.  Based on proposals submitted to the Department...
Compensation claims as a result of the sunken MT Princess Empress’s massive oil spill in Tablas Strait could surpass those filed in the aftermath of the 2006 sinking of the MT Solar in Guimaras Strait, Quezon City Rep. Marvin...
Four SM Executives led the charge among 100 notable Certified Public Accountants (CPAs) in the country as they were conferred the Centenary Awards of Excellence for their outstanding contributions in the advancement of the accountancy profession. The Centenary Awards of...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -