31.5 C
Batangas

Pagsasanay sa paggawa ng mga patok na putaheng kamoteng-kahoy, isinusulong ng DA-4A

Must read

- Advertisement -

PATULOY ang pagsusulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa programang Cassava Livelihood Program sa ilalim ng Corn Banner Program na naglalayong palawigin ang paggamit ng kamoteng-kahoy bilang alternatibong hanapbuhay tungo sa pagpapataas ng suplay at demand ng naturang produkto sa merkado.

Kaugnay nito, isang pagsasanay sa paggawa ng mga patok na putaheng kamoteng-kahoy gaya ng Cassava Cake, Cassava Chips, Cassava Polvoron, at Cassava Pichi Pichi ang inihanda ng (DA-4A) para sa 112 senior citizens sa Indang, Cavite noong ika-28 ng Abril, 2023.

Sa pangunguna ng DA-4A Lipa Agricultural Research Experiment Station (LARES) ay nagkaroon ng demonstrasyon sa pagluluto ng nasabing mga putahe kalakip ang pamimigay ng mga polyetos tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagproseso sa mga pagkaing gawa sa kamoteng-kahoy.

Samantala, ang naisagawang pagsasanay ay opisyal na idinulog ng samahan ng Kayquit-III Senior Citizen Association (KaSCA) sa DA-4A bilang parte ng kanilang ika-15 taong anibersaryo.

Ayon kay Gng. Vilma Constante na miyembro ng KaSCA, nagpapasalamat sila na sa kabila ng kanilang edad ay binigyan sila ng pagkakataon ng DA-4A na matutunan ang kapakinabangan ng produktong kamoteng-kahoy na maaari rin nilang maituro sa kanilang mga anak at apo.

Ang kamoteng-kahoy o cassava ay isang uri ng halamang-ugat na nagsisilbing pangunahing pagkain sa Pilipinas. Pangatlo ito sa mga pinagkukunan ng carbohydrates (kasunod ng palay at mais) at maharina ang ugat nito na nagtataglay ng calcium, fiber, iron, potassium, vitamin C, at iba pa na kayang magbigay sa tao ng sapat na enerhiya sa araw-araw.|- Danica T. Daluz

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

CBS China Bank Savings has moved up two notches in the Bangko Sentral ng Pilipinas’ 2023 ranking of thrift banks in terms of total assets.  From top four in 2022, CBS is now the second largest thrift bank with...
Makati City Rep. Luis Campos Jr., House appropriations committee vice chairperson, has pressed for the early release of the government’s P2.5 billion fuel cash subsidy to public transport drivers following a series of increases in the pump prices of...
As the lights dimmed at Cinema Exmundo in UP Visayas Cinematheque this Friday, April 19, anticipation coursed through the audience at the Leoncio P. Deriada Conference on Literature and Cultural Work. The spotlight was on Kevin Piamonte's "Dog Eaters," a...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -
Balikas News Network