28.9 C
Batangas

Potable water sa lahat ng kustomer, iniutos sa food establishments sa Batangas City

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City – PASADO na sa Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 32 S. 2023 o ang Ordinance Providing for Free Access of Potable Water to Customers of Food Establishments in the City of Batangas na naglalayong maiangat ang saniitation standard sa mga food establishments sa lungsod upang makaiwas ang mga mamamayan sa water-borne diseases dulot ng pag-inom ng kontaminadong tubig. 

Ayon kay Konsehal Jonash Tolentino, may akda ng ordinansa isinusulong ng nabanggit na  batas ang  pagkakaroon ng malinis, ligtas at libreng  suplay ng service water para sa mga kustomer ng lahat ng food establishments sa lunsod.

Masasabi aniyang ligtas ang tubig sa isang dine-in restaurant kung ito ay pasado sa standard ng Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW).

Ipinag-uutos ng ordinansa ang pagkakaroon ng malinis na water dispenser, water vending machines o potable water containers.

Dapat ding magkaroon ng regular maintenance at paglilinis hindi lamang ng tubig kundi maging ng unit na pinaglalagakan nito. 

Hinihikayat din ang mga may-ari o manager na magkaroon ng isang lugar kung saan nakalagay ang libreng tubig na may signage na “Free Service Water”

Upang masiguro ang kalinisan ng tubig, magkakaroon ng microbiological parameters buwan-buwan at physical and chemical parameters kada taon. Mandated ang mga operators na sumunod sa mandatory drinking water quality parameter ng PNSDW. 

Magkakaroon ng unscheduled inspection ang mga kawani ng City Health Office (CHO) upang matiyak na sumusunod sila sa ipinag-uutos ng batas.

Ang mga mahuhuling lumabag sa ordinansa ay magmumulta ng P1,000 at reprimand samantalang P2,000 at final  notice of violation para sa 2nd offense habang ang lalabag sa ikatlong pagkakataon ay pagmumultahin ng P5,000 kasama na ang suspension of business permit at closure of establishment.|– PIO Batangas City

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

HEEDING the president’s call to provide assistance to victims of calamities, the Government Service Insurance System (GSIS) has opened its emergency loan window until March 15 to aid GSIS members and pensioners adversely affected by the flooding in the...
Maxim, one of the major network companies in the Philippines, has obtained Certificate of Accreditation as Transport Network Company from the Department of Transportation and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). The company is now announcing the...
ARE you looking for a partner vehicle for your business? Look no more; we have the Bajaj Maxima Cargo to help you be "Ahead of the game" in business! Let's find out how the Bukid ni Juan, owned by...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -