PORT OF BATANGAS, Batangas City โ SINUSPINDE na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang operasyon ng Ocean Jet 6 at Hop & Go 1 matapos magbanggaan ang mga ito,ย na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng iba pa sa Matoco Point, sa loob ng Verde Island Passage, lungsiod na ito, bandang alas-12:30 ng Miyerkules ng tanghali.
โBoth vessels will be subjected to thorough safety inspections to determine their seaworthiness,โ pahayag ni MARINA chief Sonia Malaluan sa pagsuspinde ng recreational safety certificate ng Hop & Go 1 at passenger ship safety certificate ng Ocean Jet 6.
Ayon sa paunang ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), naglalayag ang Hop & Go 1 o kilala bilang Water Taxi, lulan ang apat (4) na pasaherong Tsino at isang Swedish national nang makabanggaan nito ang isa ring mabilis na fascraft na Ocean Jet 6 na mula naman sa Port of Batangas patungong Port of Calapan.
Ayon kay Coast Guard Station Batangas Commander, CG Captain Jerome Jeciel, nasapol sa naturang insidente ang kapitan at third mate ng Aqua Taxi na naging sanhi ng kanilang dagliang pagkamatay. Nasugatan rin sa insidente ang dalawang Tsino na kabilang sa limang (5)ย pasahero nito.
Matapos ang insidente, tuluyan nang hinila patungong Puerto Galera ang Aqua Taxi kung saan naroon ang kanilang yard; samantalang nagpatuloy naman sa paglalayag ang Ocean Jet 6 patungong Port of Calapan, Oriental Mindoro.
Samantala, nakaligtas naman lahat ang 105 pasahero at 19 na tripulante ng Ocean Jet 6 na pawang nasa maayos na kondisyon nang dumaong sa Port of Calapan.
Nakipag-ugnayan na rin ang mga otoridad at pangasiwaan ng Aqua Taxi sa mga naulilang pamilya ng mga nasawing biktima; samantalang patuloy namang ginagamot ang mga nasugatang pasahero.
Nakapaghanda na rin ng kanilang sinumpaang-salaysay sa Coast Guard Sub-Station Puerto Galera ang dalawang Tsinong pasahero upang idetalye ang insidente; samantalang minarap na lamang umuwi ng isang pasaherong Swedish national.
Ipinag-utos naman ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan and was malalimang imbestigasyon sa naturant incidente.
Sa kabilang dako, bukod sa pagsuspinde ng mga prangkisa ng Ocean Jet 6 at ng Hop & Go, kasamang iimbestigahan ng MARINA ang seaworthiness ng mgaย naturang sasakyang pandagat.|- Joenald Medina Rayos