27.4 C
Batangas

Punumbarangay, pinagsasaksak habang tumutupad sa tungkulin

Must read

- Advertisement -

 

 

By JOENALD MEDINA RAYOS

STA. TERESITA, Batangas – DAHIL sa pag-aawat ng nga-aaway na kabarangay, isang punumbarangay ang sugatan matapos siyang balingan at undayan ng saksak sa bayang ito, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Constantino Matienzo, 51-anyos, punumbarangay ng Tambo Ibaba, samantalang nakilala rin ang suspek na si Reynan Garcia, 21, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat ng Sta. Teresita Municipal Police Station, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa asawa ng biktima na si Fel Rose Bathan Matienzo ukol sa nangyaring pananaksak sa kanyang kabiyak habang tumutupad ng kanyang tungkulin.

Nagkaroon umano ng kaguluhan o komosyon ang mga kabataan sa nasabing lugar.

Dagli namang rumesponde ang otoridad at agaran ding nadakip ang suspek. Narekober din ng rumespondeng pulis ang patalim na ginamit sa krimen.

Kasalukuyan ngayong ginagamot sa Taal Polymedic Hospital ang biktima habang inihahanda naman ang kasong frustrated murder at direct assault upon agent in authority laban kay Garcia na ngayon ay nakapiit sa Sta. teresita Municipal Jail.

#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -