25.9 C
Batangas

San Juan LGU, huwaran sa pagpapatupad ng Yakap Bayan Program sa Luzon

Must read

- Advertisement -

SAN JUAN, Batangas — ISA sa mga model building areas ng Ya-kap Bayan Program (YBP) parti- kular sa Luzon, ipinamalas ng Bayan ng San Juan, Batangas ang kanilang maagap at mahusay na pagpapatupad ng nasabing pro-grama, ang matagumpay na em-plementasyon ng after care ser-vices sa mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) sa kanilang bayan.


Napasimulan ang nasabing programa sa naturang bayan noong Pebrero 2021, matapos ang paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng San Juan at Department of Social Wel-fare and Development (DSWD).


Makalipas ang isang taon, ginanap ang 1st RPWUDs Completion Rites noong ika-9 ng Setyembre 2022, na kinabilangan ng 43 kalalakihan mula sa Brgy. Talahiban 2.0 at Brgy. Laiya Apla-ya, na siyang mga napiling pilot barangays.

Sa kaparehong taon, natang-gap ng lokal na pamahalaan ang Plaque of Recognition mula sa So-cial Technology Bureau ng DSWD, kasabay ng Social Technology EXPO noong Disyembre 2022.


Ayon kay G. Arnold Enriquez, kasalukuyang San Juan MSWDO Head, naging unang hakbang ng proseso ay ang pagbabalik ng kumpiyansa sa sarili ng mga RP-WUDs sa pamamagitan ng pagtu-koy at pagtanggap sa kanilang mga naging pagkakamali at kung ano ang nararapat nilang gawin.


Aniya, ang programa ay hindi lamang tumututok sa mga bikti-ma, ngunit maging sa pamilya at komunidad na nakapalibot dito. Isang parte ng kanilang mga ser-bisyo ang counselling sessions gaya ng family relationship res-toration at community reconcilia-tion, na naglalayong burahin ang stigma at maging socially func-tional ang mga ito.


Nakakatuwa umanong isipin na mismong mga kamag-anak ng mga RPWUDs ang nagbabalita sa kanila ng mga pagbabago na kanilang nasasaksihan sa kanilang kasamahan sa bahay, at ang iba pa sa mga ito ay nagiging kaisa nila sa kanilang adbokasiya.
Kaugnay ng mga naging tagumpay na ito, ang Yakap Bayan initiative ng Bayan ng San Juan ay ibinabahagi sa mga es-kuwelahan, seminars, training, at conventions, kabilang ang 2023 Regional Convention at Sharing of Good Practices of the Yakap Bayan Program noong Setyembre nang nakaraang taon.


Samantala, sa panig naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ibinahagi ni PSW-DO Assistant Department Head Adelia Macaraig ang patuloy na pagkakaloob ng technical assis-tance sa mga bayan para sa pag-papaganap nito, kabilang ang pagbibigay ng mga training para sa mga miyembro ng Multi-Dis-ciplinary Team (MDT), na siyang pangunahing nakatutulong sa pagmo-monitor ng development sa mga RPWUDs.


Gayundin, mayroong mga special drug education center at anti-drug symposium na isina-sagawa para sa mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga na nakatuon sa naka-babatang populasyon, partikular na ang mga out of school youth, na itinuturing na vulnerable dahil sa kanilang exposure at angking kuryusidad.


Ang bayan ng San Juan ay isa lamang sa 8 LGU sa lalawigan na nagpapaganap ng Yakap Bayan Program para makamit ang drug-free Batangas. Ang YBP ay pro-grama ng DSWD na naglalayong magbigay ng isang holistic na in-terbensyon sa mga indibidwal na nasa treatment/rehabilitation da-hil sa pag-abuso sa droga o drug dependency, at matulungan sila na makabalik bilang isang aktibo-ng miyembro ng lipunan.| — Gian
Marco Escamillas

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -