26.7 C
Batangas

Sanchez, nagbitiw na bilang pangulo ng PCL-Batangas; Malinay, bagong ex-officio member ng SP

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

KAPITOLYO, Lunsod Batangas – TULUYAN nang bumaba sa puwesto nitong Lunes, Abril 16, bilang pangulo ng Philippine Councilors’ League (PCL) – Batangas Chapter si Bokal Mildred B. Sanchez, kagawad ng Sangguniang Bayan ng Nasugbu.

Sa kaniyang pananalita sa regular na sesyon ng Sanggunaing Panlalawigan noong Lunes, isinapubliko ni Sanchez ang kaniyang pamamaalam sa konseho at pinasalamatan ng lubos ang mga kasapi ng Sanggunian na aniya’y nagging napakabait sa kaniya sa may 21 buwan niyang paglilingod bilang kinatawan ng mga pambayan at panlunsod na kagawad sa konseho.

Nauna rito, nagsumite ng kaniyang resignation letter si Sanchez kay Bise Gobernador Sofronio Ona, Jr. bilang pinuno ng Sangguniang Panlalawigan noong Pebrero 13, Biyernes at pinadalahang-sipi si Gobernador Hermilando I. Mandanas. Pinadalahan din niya ng katulad na resignation letter ang Department of Interior and Local Government (DILG)-Batangas Provincial Office noong Pebrero 28.

Samantala, inindorso naman ni Sanchez sa Sangguniang Panlalawigan at hiningi ang maayos na pagtanggap kay Kagawad Leo Malinay ng bayan ng Lian na siyang umakyat sa Pagka-Pangulo ng liga ng mga kagawad at siyang magiging ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
BALAYAN, Batangas – WHEN a political leader finished his or her term and the spouse is elected to the position vacated, continuity of services, in some rare cases cannot be underestimated. This is the scenario in western part of Batangas,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -