30 C
Batangas

Steam-driven eruption naitala sa Bulkang Taal

Must read

- Advertisement -

TALISAY, Batangas – MULING nagtala ng steam-driven ophreatic eruption ang main cra-ter ng Bulkang Taal nitong Bi-yernes ng umaga, Abril 12, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi-volcs).


Sa ipinalabas na anunsyo ng ahensya, naitala umano ang pag-putok mula alas-5:11 hanggang alas 5:24 ng umaga at nagbuga ng may hanggang 2,400 metrong taas ng plume.


Ito marahil ay bunga ng pat-uloy na pagbubuga ng mainit na volcanic gases sa main crater ng Bulkang Taal, at maari ring sun-dan pa ng mas malalakas na phre-atic activity, ayon pa sa. advisory ng PHIVOLCS.

Sa mga nakalipas na araw mula pa noong Enero 2024, pat-uloy na nakakapagtala ng pag-bubuga ng sulfur dioxide (SO2) ang Bulkang Taal, sa average na 10,248 tons kada araw. Nitong Huwebes, ang SO2 emission ay naitala sa average na 9,677 tons.


Magkagayunpaman, sinabi ng Phivolcs na ang ipinakikitang abnormalidad ng bulkan, mag-ing ang unti-unting pagbaba-gong-anyo ng lupa sa isla ng bul-kan ay hindi pa nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng mas malakas na pagputok ng bulkan.


Dahil dito, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang bulkan. Maaari pa ring magkaroon ng biglaang pagputok at pagbubuga ng pyro-clastic materials, magkaroon ng ashfall at iba pang debris sa mga lugar na malapit sa Taal Volcano Island (TVI), o sa kabuuan ng per-manent danger zone.


Patuloy rin ang banta ng pag-buga ng makapal na abo at sodium dioxide na malaking banta naman sa kalusugan ng mga komunidad sa palibot ng Taal Caldera.
Dahil dito ay muling nagpaa-laala ang Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa pulo ng bulkan, lalo’t higit sa bis-inidad ng Main Crater at Daang Kastila.
Pinaaalalahanan din ang mga local na pamahalaan na patuloy na magmonitor sa kanilang mga nasasakupan lao na sa kalalagay-ang pangkalusugan ng mga mam-amayan.
Pinaaalalahanan din ang mga piloto na iwasang dumaan malapit sa tapat ng bulkan upang maiwan ang mga peligrong dala ng biglaang pagbuga ng abo at ballistic fragments dulot ng pag-putok ng bulkan.


Samantala, nanawagan naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Batangas sa publiko na maging mapagmatyag.
“There is no indication of eruption… the eruption this morning did not involve magma although there is still another pos-sibility that it will happen again. With this development, everyone must be very vigilant,” pahayag ni PDRRMO head Dr. Amor Ca-layan.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
BALAYAN, Batangas – WHEN a political leader finished his or her term and the spouse is elected to the position vacated, continuity of services, in some rare cases cannot be underestimated. This is the scenario in western part of Batangas,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -