26 C
Batangas

Tanauan athletes, pasok na sa Asia Pacific Region Tournaments

Must read

TANAUAN City – PASOK na sa gaganaping Asia Pacific Region Tournaments sa South Korea at China ngayong buwan ng Hunyo mga Tanaueñong manlalaro ng baseball matapos masungkit ang kampeonato sa Little League Philippine Series National Finals na ginanap sa Koronadal City, South Cotabato,  Mayo 17- 26.

Una’y muling pinatunayan ng buong delegasyon ng lungsod na karapat-dapat isigaw sa kanila ang mga katagang ““Tanaueño, The Best Ka!” matapos nilang mamayagpag sa nasabing torneo.

Sa score na 12-2, tinapos ng Tanauan City Baseball Major team ang laro laban sa International Little League Association of Manila (ILLAM). Pinadapa naman ng Junior Baseball team ang koponan ng Cebu City sa“score”na10-0.

Dahil dito, aabante na ang mga ito at magpapakitang gilas na sa Asia pacific Region Tournaments gaya ng nabanggit.

Samantala, nasungkit ng Tanauan City ang 1st Runner Up sa kategoryang Baseball Minor (10 & under) at 2nd Runner Up naman ang mga koponan ng Senior Baseball Teams.

Bigo man ang Tanauan City Softbelles na muling makabilang sa mga koponan na haharap para sa Softball World Series ngayong taon, nag-uwi pa rin naman ng karangalan ang mga ito makaraang magwaging 2nd runner-up sa naturang National Finals.|May ulat ni Louise Ann C. Villajuan

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -