MATAASNAKAHOY, Batangas – “DESIDIDO po tayo sa pagtakbo sa pagka-gobernador ng ating mahal na lalawigan ng Batangas maging sino man ang ating makalaban.” Ito ang diretsahang pahayag ni Vice Mayor Jay Manalo Ilagan sa panayam ng Balikas News kamakailan.
Ayos pa sa opisyal, wala ng makapipigil pa sa kanyang ituloy ang hangaring makapaglingkod bilang punonglalawigan dala ang mahabang karanasan sa paglilingkod sa pamahalaan at sa pribadong sektor
Si VM Ilagan ang kasalukuyang pangulo ng Vice Mayors Leagus of the Philippines – Batangas Chapter.
Ayon pa sa opisyal, kailangan ng lalawigan ang isang lider na may malinaw na pananaw at malinis na intensyon upang makamit ang isang tunay na “World – Class Batangas”.
Samantala, kamakailan lamang ay nagpakita ng suporta sa kanya ang ilang lider politikal sa lalawigan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kung kailan pormal niyang idineklara ang kanyang magiging kandidatura.|– Joenald Medina Rayos