BALAYAN, Batangas — ISINAKDAL na sa Office of the Provincial Prosecutor sa bayang ito ng patung-patong na mga kaso ng paglabag sa ibaโt ibang environmental laws ang dalawang lalaki sa bayan ng Tuy, Batangas, matapos positibong kilalanin na siyang mga responsable sa pagkalason ng isang lagnas o creek sa naturang bayan at ang pagkamatay ng mga isda, pagong at iba pang buhay-ilang dito.
Kamakailan lamang ay nag-inspeksyon ang grupo ng DENR CENRO Calaca na pinamumunuan ni CENRO Isagani Amatorio, kasama ang local government unit (LGU) ng Tuy na pinamumunuan naman nina Mayor Randy Afable at Vice Mayor Jose Jecerell Cerrado, at ang Tuy PNP, upang tukuyin ang pinagmulan ng higanteng bula sa agbang/lagnas (creek) ng Barangay Bayudbud at Sabang, sa bayan ng Tuy, Batangas na naghatid ng takot at pangambas a mga residente rito.
Positibong kinilala ni Police Major Von Eric F. Gualberto, tumatayong hepe ng Tuy PNP, ang inarestong negosyante na si Romano Cabrera at ang kanyang driver na si Mark Anthony Austria, kapwa ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat mula sa team ng CENRO Calaca, tinunton ang lugar na pinanggagalingan ng bula at ito ay napagalaman na nanggagaling sa isang lote kung saan ay isinasagawa ang paglilinis ng mga container drums na diumano ay kanilang nakuha mula sa GJ Kids Sales and Development mula sa Maguyam, Silang, Cavite.
Pahayag naman ng inarestong si Cabrera, hindi umano nila inakala na ganoon kalaki ang magiging pinsalang dulot ng pagtatapon ng likidong mula sa nililinis na drums sapagkat may โCertification of Treatmentโ umano na ibinigay naman ng Hazchem, Inc. noong June 25 nang kasalukuyang taon na nagsasabing ang mga naturang drums ay wala ng lubos na mapaminsalang kemikal mula sa mga orihinal na laman nito.
Aniya pa, ang naunang laman ng container ay โLinear Alkylbenzene Sulfonateโ o LABS, na isang uri ng emulsifier o surfactant na ginagamit sa paggawa ng mga sabong panlaba o panligo, o shampoo na nagdudulot naman ng paglubay ng surface ng tubig. Kagaya ito ng epektong idinudulot ng paglalaba sa mga creek, sapa, o ilog.
Sa laki ng volume ng mga naitapong pinaghugasang likido, tumambad ang animoโy higanteng bula sa kahabaan ng naturang creek na nag-iwan naman ng mga patay na isda at iba pang buhay-ilang gaya ng mga pagong.
Dahil dito, sinampahan na ng kasong kriminal ng LGU ng Tuy sa Office of the Prosecutor ng Balayan sina Cabrera at Austria sa paglabag sa RA No. 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990 at RA No. 9003 o Solid Waste Management Act of 2000.
Ayon pa kay CENRO Amatorio, kasalukuyan pa nilang hinihintay ang resulta ng isinasagawang pagsusuri ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) Batangas sa mga water samples na kinuha sa nasabing ilog, at sample mula sa laman ng drum na hinuhugasan, upang malaman kung nagkaroon din ng paglabag sa RA 9275 o Clean Water Act na maaaring maging basehan ng karagdagang kaso na nauna ng isinampa laban sa dalawang akusado.
Inirerekomenda na rin ng Environmental Management Bureau 4A (CALABARZON), na mabigyan ng Notice of Violation, dahil sa karagdagang paglabag sa Sec. 11 ng DAO 2013-22 at iendorso sa Pollution Adjudication Board (PAB).| – JOENALD MEDINA RAYOS / BNN