27.3 C
Batangas

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City — Pag-aaralan ng pamahalaang lungsod ang posibilidad ng paglulunsad ng electric tricycle sa lungsod sa layuning magkaroon ng energy efficient at environment-friendly na mga sasakyan.

Ito ay matapos lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa paglulunsad ng E-Vehicle Initiative ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at ang First Gen Power Corporation na kinatawan ni Vice President Ramon Araneta noong April 29.

Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, ang naturang proyekto na inisyatibo ng First Gen Renewables Inc, sister company ng First Gas Power Corporation, ay inaasahang magiging “simula ng electric tricycle industry na posibleng maging programa ng pamahalaang lungsod.”

Ito aniya ay bilang suporta sa renewable energy program at local climate action plan upang mabawasan ang air pollution at carbon emission ng mga sasakyan.

LUMAGDA sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa paglulunsad ng E-Vehicle Initiative ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at ang First Gen Power Corporation na kinatawan ni Vice President Ramon Araneta, April 29 na sinaksihan nina City Planning and Develop-ment Coordinator Januario Godoy. Ang naturang proyekto ay inisyatibo ng First Gen Renewables Inc, sister company ng First Gas Power Corporation na inaasahang magiging simula ng electric tricycle industry na posibleng maging programa ng pamahalaang lungsod.|

“Mas maliit ang maintenance cost ng e-trike at mas mahaba ang life span kum-para sa mga conventional na tricycle. Mas marami ding pasahero ang pwedeng isakay dito,” dagdag pa ni Engr. Godoy.

Sinabi pa niya na mayroon ding ganitong programa ang Department of Energy (DOE) kung kayat posibleng pag-aralan din kung pwedeng pag isahin ang DOE program at ang local initiative.

Ipinabatid ni Mr. Araneta na magbibigay ng limang e-trikes ang First Gen bilang pilot vehicles ng proyekto.

Magsisimula ang proyektong ito sa pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na siyang magsasagawa ng pag-aaral sa feasibility at profitability ng E-Trike. Pag-aaralan din kung saang ruta, linya at kooperatiba o Tricycle Operators Drivers Associa-tion papasok ang mga sasak-yang ito, kung paano ang maintenance, saan ang magiging charging station at iba pa.

Ang TWG ay bubuuin ng Mayor bilang chairman, City Environment and Natural Resources Office, Transportation Development and Regulatory Office (TDRO), City Planning and Development Office (CPDO) at iba pang konsernadong ahensya, First Gas at Meralco para sa charging station.

Inaasahan na sa buwan ng Hunyo ay masisimulan na ang pag-aaral habang ang MOU ay tatagal ng tatlong taon.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -