31.7 C
Batangas

3rd case ng COVID-19 Batangas, kumpirmado na

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

LIPA City – UMAKYAT na sa 3 ang naitatalang kaso ng Corona Virus Disease 2019 (CoViD-19) sa Lalawigan ng Batangas, Sabado ng umaga.

Inulat ng Batangas Provincian Information Office na samantalang hinihintay pa ng Provincial Health Office (PHO) ang detalye ukol sa biktima mula sa Department of Health (DoH), kinumpirma ni PIO chief Katrina Buted na nagpositibo na nga sa COVID-19 ang isang pasyente na naka-confine sa isolation room ng Mary Mediatrix Medical Center sa lungsod na ito.

Sa naunang social media post ni Lipa City mayor Eric Africa, sinasabing ang naturang biktima ay residente ng bayan ng Lemery, Batangas at may travel history sa bansang Italy, kung saan ay pumalo na sa 17,770 ang bilang ng kabuuang kaso ng COVID-19 at may kabuuang 1,255 mortality na (as of March 13, 2020).

Sa pinakahuling advisory ng Mary Mediatrix Medical Center ganap na ika-3:00 ng hapon ng Biyernes, lima ang kabuuang bilang ng Person Under Investigation (PUI) ng nasabing ospital. Ang dalawang naunang isinailalim sa COVID-19 test ay nag-negatibo naman. Ang tatlo (3) pang pasyente ng ospital ay naghihintay ng resulta ng test mula sa Regional Institute for Tropical Medicine (RITM). Dalawa sa mga ito ay nasa medical tent at ang isa nga ay nasa isolation room – at ito ang sinasabing nagpositibo na.

Unang dalawang kaso

Kahapon nga ay kinumpirma na rin ni Batangas City Health Officer, Dr. Rosario Barrion, na ang patients 49 at 52 sa tala ng DOH ay kapwa taga-Batangas City.

Sa tala ng DOH, si Patient 49 ay isang 72-taong gulang na Pinoy samantalang si Patient 52 ay ang 79-anyos niyang kapatid na babae at may travel history sa London, United Kingdom. Kapwa unang kinakitaan ng mga sintomas noong Marso 1 at nakumpirma lamang nitong Miyernules, Marso 11. Kapwa rin sila naka-confine sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City sa Kalakhang Maynila.|-BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -