26.3 C
Batangas

“Ako’y maglilingkod…”; 2019 aspirants, nagsipaghain na ng COC

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

KAPITOLYO, Batangas – NAGSIMULA na nitong Huwebes, Oktubre 11, ang itinakdang limang (5) araw para sa paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa May 13, 2019 Synchronized National and Local Elections alinsunod sa Minute Resolution No. 18-0806 ng Commission on Elections (COMELEC) noong Seteyembre 12, 2018.

Kaugnay nito, nagsimula na ring dumagsa sa mga tanggapan ng COMELEC ang mga kakandidato upang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).

Sa lalawigan ng Batangas, kauna-unahang naghain ng kaniyang COC si incumbent Governor Hermilando I. Mandanas na tatakbo sa ilalim ng PDP Laban para sa ikalwang termino. Hanggang sa magsara ang opisina noong Biyernes, wala pang nakapaghain ng kandidatura pagka-bise gobernador.

Nagsipaghain na rin ng kandidatura ang ilang tumatakbo para sa pagka-kongresista ng anim na distrito ng Lalawigan ng Batangas kasama ang kani-kanilang mga pamilya at tagasuporta. Sa Unang Distrito, wala pang kalaban ang naghaing si 2nd termer Congw. Eileen Ermita-Buhain ng Nacionalista Party (NP) na naghain ng kaniyang COC, Huwebes ng umaga. Kasama niya mula sa Kanlurang Batangas ang kaniyang amang si dating Executive Secretary Eduardo Ermita, Taal Mayor Fulgencio Mercado at ang suspendidong si Balayan mayor JR Fronda.

Wala pa ring kalaban si Deputy Speaker at 2nd District Cong. Raneo E. Abu (NP) na ang COC ay inihain ng kaniyang abogado, Erwin Aguillera, at ng kaniyang Chief of Staff, Atty. Joel Atieza, Biyernes ng hapon.

Sa Ikatlong Distrito, kasama ni Congw. Maria Teresa Collantes (PDP-Laban) sa paghahain ng kaniyang COC para sa reelection bid ang asawang si dating Cong. Nelson Collantes at ilang tagasuporta mula sa kaniyang distrito. Samantalang naghain na rin noong Biyernes si 4th District Congw. Lianda Bolilia (NP) para sa kaniyang re-election bid. Kasama ni Bolilia sa kaniyang paghahain ng COC ang ilang incumbent mayors ng kaniyang distrito – mayors Michael Rivera (Padre Garcia), Grande Gutierrez (Taysan) – at si dating Ibaan mayor Chua na pawang nagsilipat na sa NP.

Kasama naman ni incumbent Congw. Vilma Santos Recto sa kaniyang paghahain ng COC ang asawang si Senador Ralph G. Recto at ilang tagsuporta mula sa Lunsod ng Lipa (Ikaanim na Distrito). Bagaman ngayon ay nas NP na ang mga Recto, kasama rin nila sa Comelec si Atty. Romulo Macalintal na umano’y tatakbong senmador sa ilalim ng Liberal party (LP).

Wala pang naghahain ng kandidatura sa pagka-bise gobernador, samantalang ang mga nagsipaghain na ng kandidatura para sa pagka-bokal (Board Member) ay sina – Unang Distrito: dating Board Member Consuelo Malabanan (PDP-Laban); Ikatlong Distrito: (1) incumbent Tanauan City mayor  Jhoanna Corona-Villamor (NP), (2) dating Board Member Rodolfo Balba (NP), incumbent Laurel mayor Randy James Amo (PDP-Laban), at negosyanteng si G. Ben Pariño (Independent); Ika-6 na Distrito: (1) Councilor Bibong Mendoza (NP). Wala pang nagsisipaghain ng kandidatura sa ikalwa at ikalimang distrito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
A silent revolution is underway in the busy field of education, where the curriculum always demands, and the clock is continuously running. This change is about something far more fundamental than flashy technology or popular teaching approaches—our attitudes. Psychologist...
OUT OF the seven plastic categories, the first two, namely Polyethylene Terephthalate (PET) and High-Density Polyethylene (HDPE) are the easiest to recycle, and therefore these are the most in demand in the recyclable market. Never mind the five others, because...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -