26.7 C
Batangas

Ayuda sa mga kawani at frontliners, tiniyak ng SM Group

Must read

- Advertisement -

SA hinaharap na krisis na sanhi ng COVID-19, ang kapakanan ng mga empleyado ay pangunahing layunin ng SM.

Sa panahon ng Enhanced Community Quarantine mula March 17 hanggang April 12, 2020, ang mga empleyado ay makakatanggap ng kanilang karampatang sahod.  Hindi rin mababawasan ang kanilang Vacation at Sick Leaves.

Ang mga Rank and File hanggang Department Managers na patuloy na nagtatrabaho sa mga bukas na tindahan sa lugar na apektado ng quarantine at doon sa mga bumubuo ng skeletal force na mahalaga o “crucial” sa pagpapatakbo ng negosyo ay bibigyan ng karampatang premium pay.

Nagbigay rin ng tulong ang SM sa mga kawani ng mga kumpanyang patuloy na nagseserbisyo sa SM katulad ng mga security guards at janitors. May pahatid tulong din ito sa mga promodizers.

“Sa panahon ng pagsubok na ating kinakaharap, kailangan nating pahalagahan ang ating frontliners at ibigay ang kanilang pangangailangan upang maprotektahan sila at ang kanilang pamilya, nang patuloy silang makapagsilbi sa ating komunidad,” pahayag ni Hans Sy na kumakatawan sa pamilyang Sy.

Ang SM Group ay nag-allocate din ng P100M tulong para sa protective equipment, testing kits, disinfectant, para sa mga health workers.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Even while undergoing cancer treatment  (he goes to Singapore for chemotherapy every two weeks), Ginebra Gin Kings stalwart LA Tenorio remains active in worthy projects outside of basketball. Just recently, he helmed the pilot episode of San Miguel Corporation’s (SMC) newest...
AS part of its environmental sustainability initiatives, Aboitiz Construction recently partnered with National Power Corporation (NAPOCOR) to adopt a 1.6-hectare tree planting site in the Makiling-Banahaw Geothermal reservation area for three years.  Under NAPOCOR’s Energy Sector Carbon Sequestration Initiative, private...
LIPA City – House Deputy Speaker and Batangas (6th District) Rep. Ralph Recto on Friday urged the Senate to pass the House-approved measure allowing persons with disabilities (PWDs) to vote early during elections in order to provide PWDs an...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -