WALA ng aasahang ulat o updates ang publiko ukol sa mga datos na may kinalaman sa mga nagpopositibo sa 2019 corona virus disease (COVID-19) sa lalawigan ng Batangas simula ngayon.
Ito’y matapos umanong ipag-utos ni Gobernador Hermilando I. Mandanas sa provincial information office (PIO) na sa direkta na lamang makipag-ugnayan sa Department of Health – CALABARZON Regional Office hinggil dito.
Narito ang pahayag ni Batangas Provincial Information Office chief Katrin Buted sa mga mamamahayag:

Samantalang pinalalakas pa ng ibang probinsya ang paghahatid ng mahahalagang datos sa kanilang mga nasasakupang lungsod at bayan, ito naman ang pagkakataon na tumigil ang Batangas sa paghahatid nito.
Nitong mga nakalipas na araw, naging kapansin-pansin sa publiko ang atrasadong ulat ng Provincial Health Office (PHO) dahil umano sa paghihintay nila ng datos mula sa DOH.|-BALIKAS News Network